Jasmine Curtis-Smith at Gabbi Garcia, nag-enjoy sa sampalan nila

JERRY OLEA: Agaw-eksena si Jasmine Curtis-Smith sa sampalan scene nila ni Gabbi Garcia sa bagong Kapuso teleseryeng Pamilya Roces.

“Grabe naman! Thank you, thank you!” napapangiting sambit ni Jasmine nang mainterbyu namin sa mediacon nitong October 3, Wednesday night, sa Prime Hotel, QC.

Jasmine Curtis-Smith & Gabbi Garcia
IMAGE Noel Orsal

Lumalagapak ang sampalan nila, huh?!

“Naku, nag-prepare kaming dalawa,” lahad ng young actress na kalilipat lang sa GMA Network.

“Nag-usap naman kami about it para pareho kami ng expectations from each other.

“And it was fun, actually. We only did it, I think... once. And happy na naman si Direk Joel [Lamangan] from that.

“And then, ahhh... na-enjoy namin ni Gabbi pareho na panoorin yung playback.”

First time ito ni Jasmine na maidirek ni Joel Lamangan, at first time din niyang nakatrabaho ang karamihan sa cast ng nakakalokang teleserye.

NOEL FERRER: Challenging ito bilang unang teleserye ni Jasmine Curtis-Smith bilang Kapuso.

I’m sure she will show everyone that she is the other Curtis that always has surprises up her sleeves.

Actually, hindi naman surprise ito, pero interesting how her movie with Fox and Unitel na Maledicto with Tom Rodriguez will fare sa MMFF Selection.

Kung sakaling makapasok ito, may kanya-kanya silang entry ni Ate Anne. Exciting!!!

Malalaman iyan sa October 9!!!

GORGY RULA: Proud si Direk Joel Lamangan sa bagong drama series niya sa GMA-7 dahil magagaling daw ang mga artista.

Nae-excite daw siya talaga kapag magkaeksena sina Carla Abellana at Jasmine Curtis-Smith.

Hindi raw nagpapahuli si Jasmine na hindi na-intimidate sa galing sa pag-arte ni Carla.

Doon daw niya nakitang magaling talagang umarte si Jasmine, na kayang makipagtapatan sa mga magagaling na artista.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN