Tisay na aktres, feeling superstar sa weekly program ng isang network

by PEP Troika
Oct 5, 2018

JERRY OLEA: Nabasa kaya ng tisay na aktres ang best-selling autobiography ni Marilyn Manson na The Long Hard Road Out of Hell (1998)?

Sabi ng rock idol sa libro, “If you act like a rock star you will be treated like one.”

Feeling-superstar kasi ang tisay at seksing aktres kapag nasa studio ng weekly program niya sa network.

Continue reading below ↓

Kasa-kasama niya ang P.A. (production assistant), handler at alalay, plus glam team na aligaga maya’t maya sa pagsusuklay at pagre-retouch sa kanya.

Lume-level si tisay sa asta ng comedienne at beautiful star na mga bida ng weekly program, kesehodang isa lang ang segment niya roon.

NOEL FERRER: Talagang “feeling” at “may attitude” itong babaeng ito?

Saan nanggagaling ang pagka-entitled niya?

Hindi ba siya nasasaway o walang nagsasabi na kasamahan sa trabaho?

Is this the same girl na sinasabing MatinggerZ ? Hindi ako makapaniwala.

GORGY RULA: Isang kaibigan ang nagkuwento sa akin na ipakikilala raw sa kanya ng kaibigang Kapuso actor ang girlfriend niya ngayon.

Nagdududa ang kaibigan ko kung itong si tisay at seksing aktres ba ang ipakikilala niya.

Hanggang ngayon kasi ay natsitsismis na may namamagitan dito kay Kapuso actor at sa mestisang aktres.

Pero tungkol diyan sa sinasabing attitude nitong mestisang aktres, baka na-misinterpret lang ito dahil ka-close naman niya lahat na kasamahan niya roon at katsika niya ang production staff.

Continue reading below ↓

Sobrang kumportable lang siya siguro sa mga kasamahan niya kaya kampante siya sa lahat na ginagawa niya sa weekly program.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results