Bong Revilla, tuloy na ang pagtakbo bilang senador sa 2019?

GORGY RULA: Kinumpirma ng ilang miyembro ng pamilya ni dating Senator Bong Revilla na itutuloy na nito ang pagtakbo sa 2019 elections.

IMAGE Mark Pimentel

Ang daming nangulit, nagkumbinsi sa dating senador na tumakbo ito kaya pumayag na raw ito.

Hindi kasi siya nawawala sa survey kahit wala naman siyang ina-announce pa.

Hindi ko pa nakakausap si Senator Bong, pero sinasabi raw nitong gusto niyang patunayan sa lahat na hindi totoo ang mga ibinintang sa kanya.

Mayroon na ngang bumaligtad ng kuwento na pumanig na sa kanya.

Kaya abangan na lang siguro ang kahihinatnan ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

Abangan na rin ang araw ng filing of candidacy, kung isa ba siya sa magpa-file para tumakbo uli bilang senador.

JERRY OLEA: Inaasahan natin na bago magsimbang-gabi sa Disyembre ay may desisyon na ang mga kasong kinakaharap ni Bong.

Maliban sa pagtakbo sa eleksyon, inaabangan natin ang kanyang comeback movie.

NOEL FERRER: Magiging makulay ang politika simula sa filing ng candidacy next week ng mga tatakbo sa eleksyon.

Tama naman, more than ang pagtakbong muli, mas nilu-look forward ko si Sentaor Bong na kasama ang pamilya na malaya sa pagkakapiit.

At pagkatapos, makasama natin siya sa ating industriya na labis din niyang pinagmalasakitan.

Kung sumabak man siya sa politika muli, alam na niya kung sino ang kanyang tunay na mga kakampiā€™t kaibigan!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN