Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, may pasaring sa Cinema One Originals?

JERRY OLEA: Magiliw na sumagot si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte nang kumustahin namin ang status ng friendship nila ni Kris Aquino matapos ang “crazy rich” issue noong Agosto.

IMAGE Jerry Olea

“Noong nag-tweet siya in public, sumagot naman ako sa kanya sa isang magandang paraan,” matamang lahad ni Joy nang ma-interview namin sa launching ng 6th QCinema filmfest nitong Oktubre 5 Biyernes, sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, QC.

“Tapos, nagkasagutan kami via text. Personal na. Sabi ko naman, ‘Kung meron tayong mga isyu, magkaibigan naman tayo mula pagkabata, e.’

“Di naman kailangang public, di ba? Pwede naman nating iresolba sa private text messages.

“So, iyon naman ang ginamit namin. Parang may tampo lang pala siya...”

Any message para kay Kris lalo pa’t nagkaproblema ito lately sa kalusugan?

“Si Kris, napakalakas na tao niyan,” tugon ni Joy. “Napakatatag na tao iyan. Napakatalino niya.

“Kilala ko siya, batang-bata pa lang kami. Lahat ng mga pagsubok sa buhay, nalalagpasan naman niya.

“Alam ko, panatilihin lang niya ang pagiging madasalin niya, at ang kanyang pananampalataya, at ang lahat ng kanyang mga dinadaanan ay malalagpasan niya.

“Mapagtatagumpayan niya.”

NOEL FERRER: Hindi lang sina Kris at Joy ang magkaibigan kundi maging ang mga magulang nila.

Nagulat din ako sa isang lumabas na balita mula kay Kris na inuudyukan siya ni Herbert Bautista na tumakbo bilang Mayor ng QC. At kung sakali’y si Joy ang makakatapat niya. Mukhang wala namang katotohanan yun.

Ang nagulat ako ay yung pasaring nj Joy na October naman talaga kahit noong simula pa ang QCinema. Ewan lang daw yung ibang nakikisiksik sa October na playdate.

Guests ko mamaya sa radyo ang pamunuan ng kasabay na festival ng QCinema na Cinema One Originals. Kukunin ko ang reaksyon nila sa sinabing ito ni Vice Mayor Joy.

JERRY OLEA: Oktubre 12-21 ang Cinema One Originals 2018. Oktubre 21 to 30 naman ang 6th edition ng QCinema international filmfest.

Sabay ang pagtatapos ng Cinema One at pag-uumpisa ng QCinema.

Dati, Nobyembre ang Cinema One originals filmfest.

Ayon sa festival director ng QCinema, ever since ay Oktubre ang kanilang filmfest, na nasa pagitan ng Busan filmfest (South Korea) at Tokyo filmfest (Japan).

Dagdag ni QC Vice Mayor Joy Belmonte, “October is our foundation month, ‘no? Iyong iba ang nakisawsaw sa October. Amin ang October talaga!

“Our foundation day is October 12. Ang SOCA [State of the City Address] ni Mayor [Herbert Bautista] is October 15. Ang ulat ko sa bayan is October 22.

“October is a special month for Quezon City.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN