Pihadong maraming kukuha kay Ethel Booba sa darating na eleksyon

JERRY OLEA: Naaaliw ako tuwi-tuwina sa mga charot ni Ethel Booba sa Twitter.

Sa nagpatutsadang hindi siya nalaos dahil hindi siya sumikat, ang sagot niya, “Infer sa akin madami pa din kumukuha sa comedy bar, tv guesting, out of town and out of the country show kasi may talent ako. Saka kahit laos ako dami ko ipon at napundar. Ikaw anong kwentong fibisco mo? Charot!”

IMAGE Instagram

Paumanhin ng hitad, “Pasensya na sa mga online troll, di nyo masisindak ang gaya kong may attitude problem. Charot!”

‘Tsura ni Danaerys Targaryen sa Game of Thrones, “I am Ethel Booba of House Gabison, the Khaleesi, the Unburnt este the Arsonist and the Mother of BOOBArians. Charot!”

Sa casting ng millennial Darna film, “Ako po ang magpapasa ng bato kay Darna pero di pa po kami nakakapili kung kaninong kidney ang gagamitin. Charot!”

Sa kaso ni Gretchen Fullido, “I received a lot of indecent proposal before. Sinabe ko sa sarili ko ba't ko tatanggapin eh may talent naman ko edi yun gagamitin ko para sumikat. Kaya tama lang yang ginawa ni Gretchen lumaban sya kasi aabusuhin ka kapag alam nilang di ka papalag. Charot!”

Ang kanyang reminder, “Our opinion is not necessarily the truth. Charot!”

NOEL FERRER: Alam ko na maraming mga magpa-file ng candidacy nila next week ang planong kunin si Ethel Booba na may talent bilang pantapat sa Queen of Fake News.

In fairness kay Ethel, nasubaybayan ko siya since SingGaling pa, gusto ko talagang mag-showdown sila ng Fake News Queen para magkaalaman na!

GORGY RULA: Marami pang mapaglalaruan diyan si Ethel Booba dahil sa mga artistang magpa-file ng kanilang candidacy.

Diyan magaling maglaro si Ethel na hindi kaya ng ibang komedyante.

Mas okey sana kung mag-ingat siya sa attitude niya sa mga raket na binibigay sa kanya.

May iba kasi na nagsasabing ayaw na siyang kunin dahil lasing pa minsan pag sumampa sa stage.

Kung maayos lang sana sya, mas marami pang trabahong mabibigay sa kanya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN