Manay Lolit Solis may tampo rin kay Robin Padilla

by PEP Troika
Oct 7, 2018

GORGY RULA: Type ni Manay Lolit Solis na makisakay sa emote ni Sharon Cuneta na nagtampo kay Robin Padilla dahil sa hindi man lang daw pumunta sa kanyang My 40 Years concert na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum nung nakaraang linggo.

 IMAGE Instagram

Hanggang ngayon ay may tampo pa rin kasi siya sa action star dahil hindi pa rin daw ito nakaalalang dumalaw sa dating Senador Bong Revilla.

Continue reading below ↓

“Sa akin naman, okey lang kung meron kang paniniwala, o may gusto kang panindigan. Pero bilang kaibigan, hindi mo iisipin kung guilty o not guilty ka sa kaso, nandun ka para sa isang kaibigan,” himutok ng manager ni Sen. Bong.

“Nung dumadalaw naman sa kanya sina Bong, si Rudy [Fernandez] sa kanya nun, hindi naman nila iniisip kung ano yung kaso mo. Kundi nandun ka para dumamay bilang kaibigan.

“Pero siyempre, hindi na niya kailangan yan ngayon. Hindi na niya isipin yun, kasi Robin Padilla na siya, e.

“Nung nakulong siya, dumalaw naman sa kanya, dalhan siya ng pagkain, sigarilyo nina Bong, pati si Jinggoy [Estrada],” emote pa more ni Manay Lolit.

“Kaya makisawsaw na ako sa emote ni Sharon.

“I-Instagram ko uli ang tampo ko,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: Tuloy ba ang pagtakbo ni Robin sa Senado?

Aba, kung kakandidato siya, dapat magpabongga sa kasal ng anak niyang si Kylie Padilla, huh!

If ever, malamang na ninong si Pangulong [Rodrigo] Duterte, di ba?

Pag nakita natin si Robin one of these days, uusisain natin siya kaugnay sa tampo sa kanya nina Sharon, Manay Lolit at iba pang nasa Team Bong Revilla.

NOEL FERRER: Ramdam ko ang sintemyento ni Nay Lolit dahil mas nasusukat mo ang halaga mo sa isang tao kapag down ka.

In any case, baka naman nga mas maging visible si Robin dahil inuudyukan nga siyang tumakbo para sa Senado.

Siguro naman, hindi siya makakalimot; dahil masakit makalimutan—lalo na kapag dumating ang botohan.

As with Sharon, parang playtime na totoo ang nangyayari sa kambal ni Binoe.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results