Ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto: "Wholesome & Free"

by PEP Troika
Oct 7, 2018

JERRY OLEA: Magkasamang dumating ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto sa birthday party ng showbiz columnist na si Allan Diones nitong Oktubre 7, Linggo sa 1009 bar, Morato Ext., Quezon City.

 IMAGE Jerry Olea

OK lang iyon dahil tapos na ang teleseryeng Inday Will Always Love You, kung saan kapartner ni Barbie si Derrick Monasterio.

Continue reading below ↓

Magso-showing na sa Oktubre 10, Wednesday, ang Wild & Free movie ni Derrick katambal si Sanya Lopez na kapatid ni Jak.

Sabi ni Barbie, a-attend sila ni Jak sa premiere ng Wild & Free.

Ang relasyon nila, free but not wild.

“Free, oo. But wild, hindi!” bulalas ni Barbie. “Wholesome. Wholesome and free!”

Sabi naman ni Jak, “Free lang. Free dahil kasundo ko ang parents niya. So, lucky po ako na gano’n ang sitwasyon.”

NOEL FERRER : Balita ko’y pinabawasan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang pagka-wild ng pelikulang Wild & Free.

Tingnan na lang natin kung finally maisasalba na nj Derrick ang kanyang film record after Almost A Love Story.

As for the virginal Sanya, may this be a good (and not painful) debut as a movie actress.

GORGY RULA: Kailangan nilang suportahan dahil ang kapatid ni Jak na si Sanya ang bida.

Naikuwento nga ni Sanya na sa mga love scenes nila ni Derrick, naikukumpara raw niya kung kanino ang bonggang abs. Kay Derrick ba o kay Jak?

Continue reading below ↓

Nakakatuwa dahil parehong umaalagwa ang career ng magkakapatid na Jak at Sanya.

 IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Nag-duet sina Jak and Barbie ng "I’d Rather."

Feel na feel nila ang lyrics ng kanta, pero hindi iyon ang theme song nila, huh!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results