Bela Padilla, "vaklang-vakla" ang pagkakontrabida kay Vice Ganda

by PEP Troika
Oct 8, 2018

JERRY OLEA: Last shooting day ng MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya sa Huwebes, October 11.

“Nakakalokah ang casting, di ba?! Ang leading man niya, Dingdong Dantes and Richard Gutierrez,” lahad ni Chokoleit nang mainterbyu namin sa birthday salubong ni Allan Diones noong Oktubre 7, Linggo sa 1009 bar, Morato Ext., QC.

“Ang kanyang kontrabida, Bela Padilla. Oh, di ba?! Magugulat kayo kay Bela!

"Kasi, di ba, kung makaiyak, ang bilis-bilis umiyak, Diyos ko!

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

“May style din siya ng comedy. Matatawa ka kasi vaklah. Vaklah siya, eh! Vaklang-vakla!

“Pag off-cam, puwede ko siyang vaklain. Gusto niya ng vaklaang tsika. Nakakatuwa.

“Tapos, ayun na nga, mga prinsesa rito sina Maymay [Entrata], Kisses [Delavin], at saka si Loisa [Andalio].

"Apat ang prinsesa rito, hindi lang silang tatlo!

"Ako yung pang-apat! Oh, di ba?! Isipin mo pa lang, nakakatawa na!”

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Kumusta sina Dingdong at Richard sa set?

“Super-chika silang dalawa! I’m sure, equal exposure yun!” masayang sambit ni Chokoleit.

“Ang gwapu-gwapo ni Richard! Prinsipeng-prinsipe siya! Siya ang prinsipe! Bagay na bagay sa kanya!”

Kumusta yung gwapong lalaking nakahalikan niya sa viral video noong Pebrero 2017?

“Nasa ICU pa rin siya!” napangiting sambit ni Chokoleit. “Agaw-buhay! Ipagdasal po natin siya!”

NOEL FERRER: Yehey, at least tapos na ang principal photography, post prod at effects na lang ang kailangan.

At pantay raw at equal exposure sina Dingdong at Richard, Tito Gorgy.

What do you think?

GORGY RULA: Very PR, huh?!

Halos araw-araw na ngang pinu-promote ni Vice Ganda sa It's Showtime.

Sana nga pantay ang exposure nina Dingdong at Richard sa pelikula. Or else...

Ang curious lang ako, paano kaya ang billing nilang dalawa?

Anyway, abangan na lang natin bukas, October 9, ang apat pang pelikulang pasok sa Magic 8 ng MMFF 2018.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results