Kim Chiu-Dennis Trillo movie, napili bilang official entry sa MMFF 2018

NOEL FERRER: Isa pang breakthrough film na pumasok sa MMFF 2018 ay ang pelikula nina Kim Chiu at Dennis Trillo na One Great Love, sa direksiyon ni Eric Quizon under Regal Entertainment.

Ibang Kim Chiu daw ang mapapanood dito, at ang grabeng tagisan sa aktingan ang naganap dito with Dennis Trillo.

Good luck sa grupo ni Mother Lily at Roselle Monteverde.

Marlo Mortel, Miles Ocampo, Kim Chiu, and Dennis Trillo
IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: This is “Great” news for Mother Lily!

Lungkut-lungkutan ang Regal matriarch matapos i-announce ang First 4 official entries ng MMFF dahil ligwak ganern ang projects nila!

GORGY RULA: At least, dagdag-big stars sina Dennis at Kim na paparada sa Parañaque na siyang host ngayong MMFF 2018.

Malalaman natin kung ano ang ruta ng parada, kasabay nang announcement ng Magic 8 na pasok sa MMFF.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN