NOEL FERRER: Isang masayang horror film ang kukumpleto sa listahan ng Final 4 na may potensiyal na mag-magic sa box office.
Ang OTLUM ni Direk Joven Tan tampok sina Ricci Rivero, Jerome Ponce, John Estrada, at iba pa.

GORGY RULA: Malay nga natin, baka mag-surprise ito sa box office.
Maraming followers ang basketbolistang si Ricci Rivero, kaya magsanib-puwersa sila rito para suportahan ang kanyang pelikula.
JERRY OLEA: Nagpasalamat si Direk Joven Tan at napili ng screening committee ang traditional horror movie niya...
Pampamilya, pambarkada, swak sa panlasa ng moviegoers na gustong matakot at tumili-tili kung Kapaskuhan!