Rosanna Roces, walang itatapon sa limang barako ng Los Bastardos

by PEP Troika
Oct 10, 2018

JERRY OLEA: Katakam-takam ang limang bidang barako sa PHR Presents Los Bastardos.

Para kay Rosanna Roces, sino kina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casino, at Joshua Colet ang pinaka-yummylicious?

 IMAGE Noel Orsal

“Kung bata ako... ahh! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ng aktres sa mediacon nitong Oktubre 10, Miyerkules, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, QC.

Continue reading below ↓

“Laban ako sa lima! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Walang tapon!

“Pero alam mo yun, pag nakikita ko sila, mas lalo akong naaano na... ang tanda ko na!

"Anak na ito ni ganito, anak ni Noel Colet, na A.D. [assistant director] ni Chito Roño sa La Vida Rosa.

“Ito na‘yung mga anak! Nakakatuwa. Di ba?

"Si Diego, nakakatuwa ang batang ‘yan! Di ba, na hindi siya bitter sa buhay niya?!

"Ang galing-galing niyang sumagot.”

Nang ipa-rate namin kay Osang ang sex appeal nina Jake at Diego from 1 to 10, parehong 10 ang sagot niya.

Di na namin binanggit iyong iba pa dahil malamang na 10 din sa kanya.

“Wala ngang tapon ‘tong lima na ‘to!” pagdidiin pa ni Osang.

“Plus ano, ang gagaling umarte ng mga bagets ngayon. Ano, talagang iba... lalo na si Diego.”

Continue reading below ↓
Josh Colet, Marco Gumabao, Jake Cuenca, Albie Casino, and Diego Loyzaga
 IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Wow, welcome back sa pag-arte Osang. Ngayon, sa teleserye naman.

Sa mga sagot mo tungkol sa mga Bastardo boys, tunay ka ngang VERSA... versatile!!!

GORGY RULA: Kung sinasabi iyan ni Rosanna nung kabataan niya at kainitan ng career niya, cute pa yun. Aliw pa.

Pero sa status niya ngayon, parang di na bagay.

Lalo na't married naman siya sa isang lesbian. Yun na yata ang sexual preference niya.

Magaling na aktres si Rosanna, mas mabuti siguro kung tungkol sa galing sa pag-arte ng mga bastardos ang ipapakilatis natin sa kanya.

Sa mas bata-bata na natin itanong kung sino ang mas delicious sa limang bida.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results