Jake Cuenca, "maiinit" ang mga eksena sa Los Bastardos

JERRY OLEA: Bait-baitan ang karakter ni Jake Cuenca na isa sa mga bida sa PHR Presents Los Bastardos.

Mas mahirap bang maging mabait na bida ngayong sanay siya sa pagkokontrabida?

IMAGE Noel Orsal

“Mas mahirap maging kontrabida,” seryosong tugon ng aktor sa mediacon nitong Oktubre 10, Miyerkules sa Dolphy Theater, ABS-CBN Cmpd., QC.

“Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN, kasi nagtitiwala sila sa akin to be a kontrabida, and to be a bida.

“Bilang artista... kung magaling kang artista, kaya mong gawin lahat—kontrabida, bida, best friend ng bida, kahit ano, everything is important.

“And at the same time, for me, kung ano man ang ibigay na role, e, ginagalingan ko kung ano man yung papel na yun.”

Maiinit agad ang mga eksenang kinunan kay Jake sa Los Bastardos.

Natatawang kuwento niya, “Iyong opening scene ko, sa bahay na nasusunog.

"Kahapon, nag-first day kami ni Maxine [Medina], tinapunan niya ako ng mainit na sabaw. Sobrang init!

“'Tapos, nakaeksena ko na yung picture ni Kylie [Verzosa],ilang beses na. Sa sobrang init, pinawisan ako.”

Ano’ng ginawa niya sa picture ni Kylie?

“Ha?! Nag-kissing na kami ng picture sa isang eksena.”

NOEL FERRER: Nag-iba ang paningin ko kay Jake Cuenca bilang aktor nang mag-aral siya abroad at tanggapin ang mahirap na role sa dulang Lungs, na may extension this weekend na susubukan kong habulin.

Sana madala ni Jake ang disiplina at training sa teatro sa lahat ng kanyang gagawin pang projects, tulad ng Los Bastardos.

GORGY RULA: Ang maganda kay Jake, lahat puwede niyang gawin dahil mas gusto niya talagang makilala bilang isang aktor, hindi star!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN