Pinoy Playlist music festival, mas maayos iorganisa kumpara sa MMFF

NOEL FERRER: Ngayong araw, October 11, ang simula ng anim na araw na kauna-unahang Pinoy Playlist music festival.

Gaganapin ito sa BGC Arts Center sa October 11, 12, 13, 18, 19, at 20.

Over 100 concerts from all ages, genres at napaka-inclusive; kahit na ethnic at regional at classical at acapella o novelty acts ay merong representation.

Basta All Pinoy. Ito Ay Atin. Sariling Atin.

Kami nina Mr. C (Ryan Cayabyab) at Moy Ortiz ang nag-curate nito.

Masaya kami at nakikiisa ang artists dito.

We also got the endorsements of industry leaders like Ogie Alcasid, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Christian Bautista; pati na sina Rachelle Ann Go at Aicelle Santos na kung nandito lang daw sila ay tiyak na join sila.

Imagine, at PHP750 pesos (with half the price for students and PWDs na may discount) for a day pass, puwedeng makapanood ng 17 concert acts kada araw. Sulit na sulit talaga.

Magsisimula ito mamaya, at masasabi kong mas mapayapa na di hamak ang music festival kaysa sa pag-oorganisa ng film festival.

GORGY RULA: First time po ba itong Pinoy Playlist, Sir Noel?

Parang maayos at tahimik lang ang pag-oorganisa niyo nito na mukhang buo ang suporta ng mga taga-music industry.

Hindi magulo at kontrobersiyal gaya ng MMFF dahil mahalaga sa kanilang maibahagi ang galing sa pagkanta at pag-promote ng sariling awitin, kahit wala silang kikitain dito.

JERRY OLEA: Oo, labimpito (17) ang mga concert bawat gabi, na 45 minuto ang haba ng bawat isa.

Tatlong concert ang sabayan sa tatlong venue (Globe Auditorium, Zobel de Ayala Recital Hall, at Sun Life Ampitheater) ng BGC Arts Center, 26th St. corner 9th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City—maliban sa huling set na dalawa lamang.

Kaya anim na buong concert lang ang pwedeng mapanood ng isang tao bawa’t gabi.

Ang halaga ng one-day pass ay PHP750 (regular rate), PHP350 (student rate, up to college), at PHP2,500 (group of 4).

Para sa three-day pass... PHP1,500 (regular rate), PHP750 (student rate), at PHP5,000 (group of 4).

At para sa festival pass... PHP2,250 (regular rate), PHP1,125 (student rate) at PHP7,650 (group of 4).

Kaya ang estudyanteng bumili ng festival pass worth PHP1,125 ay maaaring makapanood ng 36 concerts sa anim na gabi... bale P31.25 ang tiket sa bawa’t concert.

Wow!

Sa unang gabi ngayong Oktubre 11, Huwebes, mapapanood sa Globe Auditorium sina Shanti Dope (6:00-6:45 PM), Gloc 9 (7:00-7:45 PM), Razorback with Nicole Asencio (8:00-8:45 PM), Jim Paredes & Boboy Garrovillo of Apo Hiking Society (9:00-9:45 PM), Noel Cabangon (10:00-10:45 PM), at Itchyworms (11:00-11:45 PM).

Anim na concert din ang tampok sa Zobel de Ayala Recital Hall, samantalang lima sa Sunlife Ampitheater (walang 11:00-11:45 PM).

So, kung 17 concerts each night, at anim na gabi ang musicfest na ito, bale 102 concerts ang tampok sa Pinoy Playlist 2018.

Mabuhay ang Musikang Pilipino!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN