Marco Gumabao, pumuputok agad kapag galit?

JERRY OLEA: Very hot-headed si Matteo Silverio, ang karakter ni Marco Gumabao sa PHR Presents Los Bastardos.

IMAGE Noel Orsal

“Mainitin ang ulo,” sabi ng young actor sa mediacon noong Oktubre 10, Miyerkules, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound.

“The whole second week, you will just see his temper. Iyon talaga.

"So, halos lahat ng eksena ni Matteo dito, galit sa mga workers niya.

“Konting mali, puputok na siya agad.

“Even to his mom, hindi niya binibigyan ng pugay yung mommy niya. Dinadaanan lang niya yung mommy niya.

"Yung mommy niya, parang... siya mismo‘yung, ‘O, son, let’s have dinner.’ ‘No, mom, may gagawin ako mamaya.’

“So, it’s very different for me because I’m close to my mom.”

Sa totoong buhay, hindi siya yung tipong kapag galit ay puputok agad?

Natawa si Marco, “Well, siyempre... Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hindi ba niya hinihimas para ma-pacify?

Tawa lang nang tawa si Marco, bago poker-faced na humirit, “As much as possible, huwag pumutok.”

So, pinipigilan pala niyang pumutok... ang galit.

May mabubuo?

Napayuko si Marco sa katatawa, “Mabubuo... ang conflict.”

GORGY RULA: Mukha ngang iritable si Marco Gumabao nang namataan ko siya sa announcement ng MMFF 2018 entries sa Club Filipino noong Martes, October 9.

Hindi naitago ang inis na naghintay siya dun nang matagal, hindi man lang siya naipakilala bilang isa sa mga cast ng MMFF entry na Aurora ng Viva Films.

Pero kahit mukhang inis na, ang guwapo pa rin.

Ipinakita lang ang trailer ng first batch ng MMFF 2018 official entries, pero hindi na naipakilala ang mga taong involved dahil gahol na sa oras.

Isang producer ang napansin kong nairita dahil pinapunta siya roon para i-present ang entry niya, pero hindi naman nangyari.

Nasayang lang yata ang oras nila dahil naging bahagi na lang sila sa audience.

Iyon ba ang inireklamo sa ‘yo, Sir Noel?

Medyo tensyonado na kasi nun dahil sa mga kaguluhan sa deliberation kung aling pelikula ang ipapasok sa pangwalong puwesto.

Hay naku! Napunta na talaga sa intriga sa MMFF ang usapan.

Sana may statement ka na kaugnay diyan, Sir Noel.

NOEL FERRER: Nakausap ko na ang producer na iyon, kapatid!

Naintindihan naman nila kasi hindi na nga naihabol sa primetime news ang MMFF last 4 entries dahil late na nagsimula.

Marami pa namang pagkakataong magsasama sila sa picture.

In any case, sana umangat na ang status ni Marco with Los Bastardos and his MMFF entry dahil hindi so-so lang ang kinita ng last niyang nilabasang pelikula.

Good luck!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN