Abra, bagong gising nang sumalang sa Pinoy Playlist

by PEP Troika
Oct 14, 2018

JERRY OLEA: Bagong gising si Abra nang sumalang sa 9:00-9:45 PM concert ng Pinoy Playlist 2018 nitong Oktubre 13, Sabado, sa Globe Auditorium, BGC Arts Center, Taguig City.

8:05 PM na ay wala pa siya sa venue at hinahanap ng organizers.

Abra
 IMAGE Jerry Olea

Nakatulog pala si Abra. Pero nasa BGC (Bonifacio Global City) siya, at nagsimulang mag-perform sa takdang oras.

Continue reading below ↓

Intimate ang ambiance ng palabas. Nag-i-interact si Abra at ang audience. Ipinapaubaya ni Abra sa mga manonood ang pagkanta ng ilang linya ng kanyang hit songs.

Tagaktak ang pawis ni Abra. Hyper na hyper sa performance, pero sumasala-salampak.

Sabi ng handler niya matapos ang palabas, baligtad these days ang body clock ni Abra—gising sa gabi, tulog maghapon.

Next week kasi ay may flip top battle ito. Nalalapit na rin ang digital release ng bago nitong kanta.

Salamat, Abra, sa napaka-passionate na pa-concert sa ikatlong gabi ng Pinoy Playlist!

NOEL FERRER: Matatawa ka na lang sa naging conversation nila ng production manager ng Pinoy Playlist.

PM" Abra, anong nangyari sa ‘yo?

ABRA: Ewan ko nga po, naguguluhan po ako.

PM: Ganern?

Hayyyyy, buti na lang umabot si Abra kagabi at nakiisa siya sa historic na first na Pinoy Playlist!

These things make the festival more exciting.

At least dito, walang kontrobersiya, di ba?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Taus-puso ring nagpasalamat si Abra sa mga malalaking kumpanya na patuloy na tumutulong sa mga ganung event.

Malaking bagay raw itong mapalapit ang musikang Pinoy sa mga tao.

Huwag daw sana magsawa sa pagsuporta sa kanilang mga musikero.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results