Alfred Vargas, sinamahan ng misis na buntis sa pagpa-file ng COC

by PEP Troika
Oct 19, 2018

GORGY RULA: Alfredo Cristiano IV ang napiling pangalan ng mag-asawang sina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa kanilang pangatlong baby.

First time nilang magkaka-baby boy.

Six months na ang ipinagbubuntis ni Yasmine at medyo okay na raw siya ngayon kaya sinamahan niya si Alfred nang mag-file ito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong nakaraang Martes, October 17.

Continue reading below ↓

Ilang linggo rin kasing naka-bed rest si Yasmine dahil nahirapan talaga ito sa 1st trimester ng kanyang pagbubuntis.

Okay na raw siya ngayon, kaya pinilit niyang samahan si Alfred sa pag-file nito ng COC bilang representative ng 5th district ng Quezon City, na nasa kanyang last term na.

Thankful si Alfred na sinamahan siya ni Yasmine kahit nasa maselang kalagayan pa ito, dahil alam niyang masuwerte raw ang buntis.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Malinis ang record ni Alfred, at ramdam ng constituents ang malasakit niya sa mga ito.

Keep up the good record, Alfred! Nawa’y pagpalain ka pa ng Panginoon pati na ang mga mahal mo sa buhay!

NOEL FERRER: Only good things and all the best for Alfred at ang kanyang pamilya.

Halos unopposed daw si Alfred na walang kilalang makakalaban sa puwesto.

Ang sabi nga, you run the country and the community the way you do your family.

Kaya, kitang-kita natin ang ganung consistency sa prinsipyo ng isang lingkod bayan na tulad ni Alfred.

Good luck sa panibagong baby!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results