Katuwaan Awards ng Pinoy Playlist 2018, sobrang good vibes

by PEP Troika
Oct 21, 2018

JERRY OLEA: Oktubre 20, Sabado, bandang 11:30 PM inihayag ang nominees & winners sa Katuwaan Awards ng Pinoy Playlist 2018 sa Globe Auditorium, BGC Arts Center, Taguig City.

Ang mga nagwagi:

SHINE (Most Impact-ful Playlist Poster) — The Sings of Vince de Jesus

KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK MO (Abala Sa Hairstyle) — John Lesaca

MOTHER, FATHER, BROTHER, SISTER HOW DO YOU BRUSH YOUR TEETH AWARD (Best In Family Attendance) — Arman Ferrer, Baihana, at Ben & Ben (triple tie)

NAKITA KITA SA ISANG MAGASIN (Best In Visuals: Costume, Production Design and Accessories) — Eileen Sison & Guarana

IBIGAY MO NA (Best In Showmanship) — Bayang Barrios

SAAN NA NGA BA ANG BARKADA NGAYON (Happiest Reunion Act) — Jim & Boboy ng Apo, Neocolours, at Da Pulis (wagi ang lahat ng nominado)

TAWANAN MO ANG IYONG PROBLEMA (Happiest Comedy Act) — Jon Santos, Nanette Inventor at Mitch Valdes (wagi ang lahat ng nominado)

mitch valdes nanette inventor
 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEST IN TICKET SELLING — Tricia Amper-Jimenez

BEST IN SOCIAL MEDIA ENGAGEMENT – Arnel de Pano

TULIRO (All’s Well That Ends Well) — Abra, at Ben & Ben (tabla)

DEAR HEART (Loveteam of the Festival) — Sunshine (production staff) & Abra

NOEL FERRER: Unlike mga film festivals, itong Pinoy Playlist ay umiwas sa pag-e-encourage ng kumpetisyon.

Instead, mas katuwaan ang ginawang “fancy awards.”

Sa presentation kagabi, nakakatawa si Sweet Plantado-Tiongson. sa pagde-describe ng mga nominado.

Tuloy, isang masayang komunidad ang nabuo.

Positive at masaya lang.

Walang paistaran o pasikatan, walang pressure.

Puro good vibes lang.

JERRY OLEA: Meron ding SPECIAL VENUE AWARDS... “For having enlivened their audience at an extraordinary level.” (Based on official attendance at the gigs).

In ramdom order, ang top 3 sa SUNLIFE AMPITHEATER... 6 Cycle Mind, Moonstar 88, at Sandwich.

Sa ZOBEL DE AYALA RECITAL HALL... Isay Alvarez & Robert Seña, Reuben Laurente, at Baihana.

At sa GLOBE AUDITORIUM... IV of Spades, The CompanY, at Neocolours.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Makaka-relate kaya ang mga readers natin sa pinag-uusapan natin?

Pero gusto ko i-congratulate ang mga bumuo nitong Pinoy Playlist, at nakakatuwa dahil bahagi diyan ang ka-Troika naming si Sir Noel Ferrer.

Inaasahan ang buong suporta ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit sa susunod na taon.

At mas maraming mga baguhang singers na mabibigyan ng pagkakataong makapag-perform, kagaya ng tapatan ng The Clash finalists at ng Tawag ng Tanghalan.

Mas marami pa sanang sponsors dahil hindi biro itong binuo nilang pagtitipon ng ating mga mang-aawit para lang ma-promote ang mga awiting sariling atin.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results