Jay-R at Mica Javier, engaged na

by PEP Troika
Oct 21, 2018

NOEL FERRER: Engaged na ang matagal na ring magsing-irog na sina Jay-R at Mica Javier na kasama sa Girltrends ng It's Showtime.

Naganap ito nitong Linggo ng gabi, October 21, sa City Of Dreams.

Huli naming nakasama ang dalawang ito sa Boracay wedding nina Maxene Magalona at Robby Mananquil.

Hindi namin akalain na sila na ang susunod, lalo pa’t pareho pa ring driven sa kanilang careers ang dalawang ito.

Si Mica Javier ay mula sa Javier clan na nagpapatakbo ng Andok's. May hotel din sila sa Boracay.

Naging close ako sa kanya nang kinakitaan ko siya ng pagiging totoo at hindi after sa publicity—di tulad ng sinundan niyang ex-girlfriend ni Jay-R.

To Jay-R and Mica, where’s the party?

GORGY RULA: Dapat namam talagang mag-asawa na sila.

Si Jay-R kasi, sinasabi niyang kapag nakipagrelasyon siya, pangmatagalan.

Kung alin ang pinakamatagal niya, yun na raw ang pakakasalan niya.

Tututukan ng PEP Troika kung kailan ang kasal at ang buong detalye nito.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Masaya kami ni Shalala na nakahanap si Jay-R ng babaeng nagmamahal nang totoo sa kanya.

Dati kasi, e, nagmukhang alalay si Jay-R sa kanyang ex-girlfriend.

Ambait kasi niya! Kaya he deserves to be happy!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results