Kyline Alcantara, flavor of the season ng GMA-7?

by PEP Troika
Oct 22, 2018

GORGY RULA: Excited si Kyline Alcantara na dumalo sa awards night ng Asian Academy Creative Awards na gaganapin sa Singapore sa darating na December.

 IMAGE Gorgy Rula

Napansin ang performance ni Kyline sa Kambal, Karibal kaya siya ang napiling mag-represent ng bansang Pilipinas sa kategoryang Best Actress in a Supporting Role.

Continue reading below ↓

“Maraming salamat po for recognizing my creativity po sa Kambal, Karibal.

“I’m just very thankful po na nominado po ako para i-represent ang Pilipinas,” pahayag ni Kyline nang nakausap ng PEP Troika kaninang tanghali, October 22, sa Luxent Hotel, Quezon City.

Ini-launch si Kyline bilang bagong brand ambassadress ng isang hair and skin product na Simply G.

Dagdag pang pahayag ng Kapuso young actress, “Kung manalo man po, sobrang sarap sa pakiramdam.

“Kung matalo man po, okay naman po sa akin. Ma-nominate man po ako sobrang laking bagay na po yun sa akin.”

Gusto na rin daw niyang ma-meet sa Singapore ang mga “sunflowers” o masugid niyang mga tagasuporta roon.

Dagdag pang challenge kay Kyline bilang aktres, inihahanda na pala ang pagbibidahan niyang Kapuso drama series na may tentative title na Kidnap. 

Kasama niya rito sina Therese Malvar at Migo Adecer.

Continue reading below ↓

Mala-Nora Aunor at Vilma Santos daw ang drama nila ni Therese.

Si Therese daw si Nora at siya naman si Vilma.

“Parang younger version po nila kami, and I’m just so happy po.

"We’ll promise po na gagalingan po namin ni Therese,” pakli ni Kyline.

Tanggap ni Kyline na napakagaling ni Therese, pero magkaibigan daw sila at wala naman daw kumpitensiya sa kanilang dalawa.

Ani Kyline, “I’m not competing with anyone, lalo na with Therese.

“I’m just competing with myself. Kumbaga po, I’m just competing with my past performances.

“So, gagalingan na lang po naming dalawa, at gagawin na lang po namin yung mahal po naming gawin, which is pag-arte po.”

NOEL FERRER: As an outsider sa network going-ons, parang  flavor of the season si Kyline Alcantara, publicity-wise.

Bakit kaya mas malakas siya sa press compared to, let’s say, a more established but lesser-talked-about actress like Bianca Umali?

Continue reading below ↓

And take note, both actresses were romantically linked to the same Kapuso actor.

Ano kaya ang meron si Kyline na wala si Bianca at wala na agad sa kanya ang limelight?

What do you think, Tito Jerry at Gorgy?

JERRY OLEA: Mukhang maligaya si Bianca sa kanyang buhay.

May nakapagsabi rin sa aking mas totoong makihalubilo si Bianca kesa kay Kyline.

Pana-panahon lang ang kasikatan. Bongga noon si Bianca. Ngayon, umeeksena si Kyline.

Bukas, hindi natin masabi kung ano ang mangyayari.

Basta, mas interesting para sa akin si Bianca.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results