Daniel Padilla, sinorpresa si Kathryn Bernardo sa Ormoc

NOEL FERRER: Hindi nakatiis si Daniel Padilla at sinorpresa ang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa set ng Three Words To Forever sa Ormoc.

IMAGE Mark Atienza

Nasa Ormoc din ang lead stars na sina Sharon Cuneta at Richard Gomez, pati na sina Joross Gamboa, Freddie Webb, at Tommy Esguerra.

The cast has been there since October 18 at pabalik na sila sa Linggo, October 28, with some remaining scenes na baka sa Manila na kukunan.

Di ba nga, sabi ni Daniel, willing siyang maging personal assistant ni Kathryn kung sakali?

Mangyayari na ito ngayon.

Balik-rancho ang cast bukas pagkatapos nilang mag-ikot sa beach at iba pang sceneries sa Ormoc.

Nakatakdang ipalabas ang Three Words To Forever sa November 28 bilang selebrasyon ng 30th anniversary ng love team nina Sharon at Goma.

Nataon ding birthday ito nina Joross at Direk Cathy Garcia-Molina.

Ako nga mismo, naka-book na ako ng sinehan para makapag-block screening sa December 1, na start naman ng aking 50th birthday celebration.

JERRY OLEA: Ang sweet nina Kathryn at Daniel, nagsusuportahan sa kani-kanyang project.

Sa fourth concert ni Daniel sa Araneta Coliseum, andoon si Kathryn.

Sa shooting ni Kathryn sa Ormoc City, dumalaw naman si Daniel.

Tuwing may opening ang bagong sangay ng Kathnail salon & nail spa ni Kathryn, andiyan ang binata.

For sure, sasamahan din ni Kathryn si Daniel sa pangangampanya para sa ama nitong si Rommel Padilla.

GORGY RULA: Ang hirap maka-contact sa lugar na pinagsyutingan nila sa Ormoc.

Sinusubukan pa rin naming hingan ng pahayag si Kathryn na sobrang na-touch sa sorpresa ni Daniel.

Nakakatuwa ang sweetness nilang dalawa.

Ang pagkakaalam ko, sa Linggo na sila babalik ng Maynila, at first week of November ay sa Canada ang KathNiel para series of shows nila roon.

One Magical Night ang title ng show, kung saan kasama rin nila ang magka-love team na sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Sana magkaroon ng "one magical night" na magkaayos sina Elmo at Janella, at ma-inspire sila sa sweetness nina Daniel at Kathryn.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN