Rufa Mae Quinto, inaming "gaguhan" lang ang "retoke" tweet ni Ethel Booba

by PEP Troika
Oct 27, 2018

GORGY RULA: Nakatsikahan namin si Rufa Mae Quinto sa Boracay kahapon, October 26.

Isa si Rufa Mae sa naimbitahang makibahagi sa opening ng Boracay, pagkatapos itong na-rehabilitate ng anim na buwan.

Rufa Mae Quinto with daughter Athena
 IMAGE Gorgy Rula

Kasama rin niya sina Cristine Reyes, Coleen Garcia, at Rafael Rossel.

Continue reading below ↓

Nandun din si Erik Santos na nagbabakasyon kasama ang manager na si Erickson Raymundo at ibang taga-Cornerstone.

Sa tsikahan namin kay Rufa Mae, nilinaw namin ang nag-viral na tweet ni Ethel Booba kung saan idinamay pa siya sa joke tungkol sa isyu nina Darren Espanto at JK Labajo.

Ni-repost kunwari ni Ethel ang tweet ni Rufa Mae na "retoke at its finest" kung sa naka-tag pa si Ethel.

Malinaw na spoof ito ng "gayness at its finest" tweet diumano ni JK patungkol kay Darren.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Sabi ni Rufa Mae tungkol sa charot na tweet ni Ethel, “Actually, tawang-tawa sila.

“Ako, hindi ko naintindihan. Kasi nag-viral na yun, di ba?

“Sinabi naman niya [Ethel] sa akin, sabi niya, ‘Joke lang yun, ganun-ganun. Tinag kita.'

“Sabi ko, ‘Okay lang yun LOL.'

"Basta pag kami namang dalawa nagsasabihan, huwag sila masyadong naniniwala kasi gaguhan lang yun. Joke nga, e.”

Type nga raw ni Rufa Mae na magka-talk show sila ni Ethel na hindi naman daw dapat seryosohin.

“Dapat nga siguro, 'no? 'Tapos yung wala kaming masabi!” natatawang sabi ng comedienne.

Samantala, mas na-enjoy raw ngayon ni Rufa Mae ang Boracay na ang laki ng ipinagbago.

Kasama niya ang kanyang anak na si Athena dahil sa Amerika based ang asawa niya.

Balak nga raw nilang mag-inang magbakasyon sa Amerika para makasama roon ang kanyang asawa.

Pinag-uusapan na rin daw nilang mag-asawa na sundan ang kanilang baby girl.

“Susundan namin, isa pa. Lalaki sana. Isa pa siguro, tapos na,” pakli nI Rufa Mae.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mabuti naman at OK pa rin silang mag-asawa despite their long-distance arrangement.

Ang gusto kong itanong kay Rufa Mae ay kung totoong "Todo Na Ito" siya noong ABS-CBN Ball at nakita siyang "Walwal".

Sana behave naman siya dyan sa Boracay, Tito Gorgy.

JERRY OLEA: Pasabog ang "retoke" charot nina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto na halaw sa talakang "gayness" nina Darren Espanto at JK Labajo sa Twitter.

Ang hanash ni Ogie Diaz sa Facebook kaugnay kina Darren at JK, “Ganyan lang naman ang mga batang 'yan. Hindi naman sila aabot sa suntukan.

"For sure, pag-uusapin 'yang dalawang 'yan ng Star Magic para matapos na.

“Anlakash keye maka-bading ng dalawang guysh na fighting sha chwicher.”

Hay, naku! Nawa’y ilibing na ang usaping ito bago sumapit ang Undas, ‘no?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results