EXCLUSIVE: Derek Ramsay, kinumpirma ang napipintong paglipat sa GMA-7

GORGY RULA: Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Derek Ramsay kaugnay sa isyung paglipat nito sa GMA-7.

 IMAGE Gorgy Rula

Nakausap namin ang dating Kapatid actor sa grand launch ng Rising Era Dynasty sa Grand Ballroom ng Solaire Resorts and Casino, Linggo ng gabi, October 28.

May produkto roon si Derek na anti-mosquito repellant na in-invest nila ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya endorser nito kundi bahagi talaga siya ng kumpanyang inilunsad kagabi.

Hiningan ng PEP Troika ng pahayag si Derek kaugnay sa kumalat na balitang magiging Kapuso artist na siya.

Sagot ng hunky actor, “I’ve had talks with them twice. They’re wonderful people.

“Natuwa nga ako they invited my parents to the meeting as well.

"They really did their research kung anong importante sa akin."

Nagulat lang daw si Derek dahil ang unang meeting nila sa ilang GMA executives ay nai-scoop agad natin dito sa PEP Troika kinabukasan.

Sa pangalawang meeting nila, medyo kumportable na raw siya at hindi na nila itinago.

May mga ilang detalye lang daw silang aayusin, at maaaring magkapirmahan na.

Nakiusap lang daw si Derek na kung puwede ay sa susunod na taon na siya magsimula.

Isa nga raw sa inalok sa kanya ay ang drama series na posibleng pagsasamahan nila ni Jennelyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi muna niya ito tinanggap dahil marami pa raw siyang aasikasuhin, kagaya nitong Rising Era Dynasty na bahagi siya sa investors.

“Gusto nila mag-start na ako sa November, but sabi ko next year na muna. Mga details na lang inaayos ngayon,” sabi pa ni Derek.

Aminado rin ang aktor na malaki ang impluwensiya ng best friend niyang si John Estrada kaya kinukunsidera niya ang alok ng Kapuso network.

“John is my brother. It’s gonna be awesome na makakasama ko siya sa GMA if ever it happens.

"Yes, isa siya sa mga malaking reasons," saad ni Derek.

Nasa Amerika lang ngayon ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong. Pagbalik nito, maaaring ma-finalize na raw lahat.

“I need to program my mind now if ever I’m going to sign with GMA.

“I want to give them my very best, and I know that it’s gonna be my last hurrah for being an actor.

“I’m serious, guys. There’s so much I wanna do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not going to politics, I promise you," dagdag na pahayag ni Derek.

NOEL FERRER: Bravo, PEP Troika, at least una talaga tayo at reliable at pinagkakatiwalaan.

Isang homecoming din kay Derek ang magbalik-Kapuso.

Hintayin na lang natin ang magagandang projects niya sa pagpasok ng 2019.

Go go Derek!!!

JERRY OLEA: Exciting kung magiging ganap nang Kapuso si Derek Ramsay.

May napatunayan na kasi siya bilang leading man sa mga pelikula.

Inaasam pa rin nating matuloy na ang tambalan nila ni Jennylyn Mercado sa primetime TV series.

Puwede rin siyang itambal kay Carla Abellana o Heart Evangelista.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close