Hashtags member, dalawang beses nakipagkita sa lady politician

GORGY RULA: Sino itong miyembro ng Hashtags na dalawang beses nang nakipagkita sa isang controversial lady politician?

Wala namang masama sa pagdalaw, at baka naman may pinag-uusapan o malay natin, baka may konek naman sila sa isa’t isa.

Pero namamalisyahan lang ang iba dahil yung unang dalaw, gabi na raw pumasok ang Hashtags member sa tinitigilan ni lady politician at madaling-araw na lumabas.

Yung pangalawang beses ay kamakailan lang nangyari, kung saan dumating daw si Hashtag member ng alas-siete ng umaga at alas-onse na ng tanghali lumabas.

May pinagdaanan si lady politician, kaya kailangan lang niya siguro ng karamay o baka itong pagdating ni boylet ay nagpapasaya sa kanya.

Pero ang medyo weird lang sa amin, aware at nakabantay lang daw sa labas ang lalaking nakarelasyon din daw ni lady politician.

Malamang alam niya kung ano ang koneksiyon ng pagdating nitong Hashtags member, pero deadma lang siya na parang wala lang.

Ang dami na kasing namamalisyahan sa pagkikita nitong Hashtags member at ni lady politician.

E, kilala pa naman itong si lady politician na mahilig talaga sa mga matitipunong lalaki. Hay, kainggit!

JERRY OLEA: Sadya bang marupok ang lady politician sa tawag ng laman?

O likas siyang matulungin lalo pa’t kailangan ng nagkakaedad na Hashtags member ng sponsorship upang ma-push nang husto ang kanyang career?

Hindi natin batid kung ano ang nagaganap sa kanilang paraisong parisukat.

For all we know, baka kinuha lang ni lady politician ang service ng favorite niyang Hashtags member para sa dance lessons.

NOEL FERRER: Sus naman, magtataka pa ba tayo diyan?

Kung kani-kanino nali-link na cougar at beki itong si Hashtags member.

Magaling talaga siyang “sumayaw.” in the full sense of the word!

Si lady politician naman, di ba nakaka-identify naman kayo sa kanya, Tito Gorgy at Jerry, lalo na sa karupukan?

Let he who is not guilty cast the first stone?

Wow! Ang saya ng pagsisimula ng linggo nating Troika, ha! Hahaha!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN