Handler, higit pa sa alaga ang turing sa young actor?

NOEL FERRER: May nagtatanong sa amin tungkol sa handler na kasama ng isang young actor sa isang foreign destination.

Minsan nang sinita ang handler ng tatay ng young actor dahil sa pagiging chummy-chummy nila masyado, bagay na naging dahilan ng paglipat ng assignment ng handler sa ibang talent.

Wala nang balakid sa handler at young actor. Malaya na sila.

Hindi na umeeksena ang manager at tatay para paghiwalayin sila.

Waley na rin ang napabalitang GF ng young actor.

Ano ang say niyo, Tito Jerry at Gorgy, sa naibulong sa aking chikang ito?

JERRY OLEA: Hindi na bago ang istoryang nainlab ang handler o alalay sa alaga niyang artista.

Hindi ba’t may young actress na inilayo ng kanyang ina sa lesbianang handler nito?

Sa kaso ng young actor, nasa kainitan siya at hindi kataka-taka kung pagbigyan man niya minsan ang handler na loyal sa kanya.

Sabi nga, hindi iyan big deal sa millennials.

GORGY RULA: Nagtanung-tanong na ako.

Magkaibigan daw talaga ang dalawa. Magkatropa.

Huwag na raw lagyan ng malisya, dahil close daw talaga ang dalawa.

Pati raw sa pamilya ng young actor ay close si handler.

Saka under pa rin pala sa kanya. Siya pa rin daw ang handler.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN