Kissing scenes nina Sophie Albert at Rocco Nacino sa Pamilya Roces, pinagseselosan ba ni Vin Abrenica?

by PEP Troika
Nov 1, 2018

GORGY RULA: Nilinaw ng bagong Kapuso artist na si Sophie Albert na hindi nagseselos ang boyfriend niyang si Vin Abrenica sa mga maiinit na eksena nila ni Rocco Nacino sa Pamilya Roces.

 IMAGE Noel Orsal / Screen grab from GMA-7

May mga nagtatanong kasi kung hindi ba nagre-react si Vin sa kissing at sexy scenes nina Sophie at Rocco sa primetime series ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sophie, “Vin is my number one supporter. He is always the one who pushes me and reminds me to always do my best.

“He knows naman work is just work.”

Thankful si Sophie sa GMA-7 dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang si Amber na dapat kay Winwyn Marquez.

Kaya sinisingit ni Sophie sa schedule niya ang mag-gym para ma-maintain ang seksing katawang may vital statistics na 34-24-35.

Isa rin pala si Sophie sa cast ng Pamilya Roces na dadalo sa Christmas tree lighting sa Robinson’s Novaliches.

Kasama sina Jasmine Curtis-Smith, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Shaira Diaz, Manolo Pedroso, at ilang miyembro ng grupong One Up.

NOEL FERRER: Amanos naman sila ni Vin sa larangang iyan. Supportive sila sa isa’t isa.

Aabangan natin kung sasamahan ni Sophie si Vin sa nakatakdang kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Bataan this month.

Continue reading below ↓

Malay mo, siya pa ang makasalo ng bouquet, pero parang napakaaga pa.

JERRY OLEA: Pasado kay Direk Joel Lamangan ang mga artista niya sa Pamilya Roces, pero special mention niya si Sophie Albert.

Kuwento ni Direk Joel, “Ang problema ni Sophie, napaka-class ng kanyang salita.

"Tinalakan ko, ‘Hoy, hindi puwedeng ganyan! Kailangan, palengkera ang boses mo! Rah-rah-rah!

“Dapat, parang Maricel Soriano noong araw ang boses mo! Alam mo kung ano ang siney sa akin?

"‘Sorry, Direk, but I was born with this.’ Muntik na akong matawa pero pinigil ko.

“Yayamanin kasi siya, ‘I am sorry, Direk, but I was born with this.’

“Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Hindi puwedeng ganyan! Ibahin natin!’

“E, kasi nga, puta-puta dapat sila ng nanay niya na si Elizabeth [Oropesa]! Aba! Game ang Sophie!”

Second choice si Sophie na naturang karakter. Originally ay kay Winwyn Marquez iyon.

Continue reading below ↓

Lahad pa ni Direk Joel, “Ang ganda ng role, iniwan ni Winwyn. Siya ang pinakamagandang role. Kakaiba!”

Hindi keri ni Winwyn ang pakikipaglandian kay Rocco. Sinabihan tuloy ito ni Direk na iwanan na lang ang pag-aartista.

Pagpapatuloy ni Direk Joel, “Para kay Sophie talaga. In-offer ko sa kanya ang role, kasi ayaw ni Winwyn. ‘Opo, Direk!’

“Puwede ka bang makipaglaplapan? ‘Yes, Direk!’ Oh! ‘Yes po!’ Ay!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results