Anak ni Rico J. Puno, mas nakilala ang yumaong ama dahil sa mga kuwento sa lamay

by PEP Troika
Nov 4, 2018

JERRY OLEA: “Nagparamdam” ba si Rico J. Puno habang nakaburol ang kanyang katawang lupa sa Capilla del Señor (isa sa multi-purpose chapels ng Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City)?

Rico J. Puno and Tosca Puno
 IMAGE Noel Orsal / Jerry Olea

“Ay, wala naman po. Wala,” matamang sambit ng daughter niyang si Tosca Puno nang makausap namin sa fourth night ng lamay nitong Nobyembre 3, Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang nagpaparamdam... like kanina, dumating yung mga classmates niya sa Mapa High School. Yun ang mga paramdam.

“Ibig sabihin, yung mga memories. That’s also how I cope, when I listen to their stories... na kung paano si Papa noong kabataan niya.

“And nakita ko talaga na bata pa lang siya, talagang nagdyu-joke na pala talaga siya. Grade 6 pa lang!

“Nakausap ko si Tita Bibeth Orteza. 'Tapos, nagkuwento siya na dyinu-joke na pala siya dati ni Papa noong elementary days nila.

“Sabi ko, ‘Tita Bibeth, I’m so happy, mas nakilala ko si Papa sa mga stories.’ Kasi, lahat sila, nagdadatingan, e.

“So, mas marami akong nalalamang stories about Papa. 'Tapos, mga pictures... nagdadala sila ng pictures!

Ipinapakita nila sa akin. Sabi ko, ‘Pogi ni Papa, o!’ Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER: Mabuti na lang at may ganyang mga kuwento ng mga nakikiramay sa pamilya ni Rico.

Iyan ang makakatulong sa kanila para maka-cope at malagpasan ang lungkot sa pagpanaw ng kanilang Rico J. Puno.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Di malayong magiging aktibo muli si Tosca sa pagkanta upang buhayin ang legacy ng kanyang ama.

GORGY RULA: Inaasahan ngang maging aktibo uli ang singing career ni Tosca, at pati si Rox.

Pati mga lumang awitin ni Rico J ay bumabalik na rin dahil palagi itong napapatutugtog ngayon sa mga radyo.

Kaya buhay na buhay pa rin ang mga alaala ng namayapang OPM Icon.

Gabi-gabi ay may pa-tribute kay Rico J, pero ang inaabangan ay ang mangyayari sa huling gabi ng burol sa November 7.

Doon magtitipon ang kilalang singers para magbigay-pugay sa kanya.

JERRY OLEA: Open to the public (fans) ang viewing sa remains ni Rico J. Puno bukas (Nobyembre 5, Lunes) nang 1:00-5:00 PM.

“Tapos po, sa November 7 (Miyerkules), we will open again to the public the chapel, 4:00-6:00 PM, yung final viewing, bago po mag-eulogy,” dagdag ni Tosca.

Sa Nobyembre 8 (Huwebes) nang 6:00-10:00 AM, ibuburol si Rico sa Makati City Hall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre po, dahil incumbent siya na councilor, so... para yung mga constituents naman, yung mga kasamahan natin sa barangay, makadalaw din po,” lahad ni Tosca.

Mula sa Makati City Hall, ihahatid na si Rico sa huling hantungan sa Heritage Park.

Wala nang seremonyas doon.

Aba! Puyatan syempre sa huling gabi ng lamay sa Miyerkules, at umagang-umaga ay nasa Makati City Hall naman!

“Siyempre po, OK lang po yun,” pakli ni Tosca. “Ibibigay na po namin yung the best natin for Papa.

“Kasi, gusto niya, yung always the best.

"So, we will give him the best that we can na wake, na alam ko namang matutuwa siya sa efforts namin."

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Rico J. Puno
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results