Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Female TV personality at mahusay na aktor, ano nga ba ang tunay na relasyon?

by PEP Troika
Nov 6, 2018

NOEL FERRER: Magkasama nga ba sa ibang bansa ang isang sikat na female TV personality at ang isang magaling na aktor?

Kahit espesyal na araw ng magaling na aktor ay lumipad ito papuntang isla ng isang Asian country.

Yung girl ay absent sa kanyang daily show dahil nandoon din sa isla para magbakasyon.

Continue reading below ↓

May nagwa-1-plus-1 na nagkita ang dalawang personalidad na ito sa ibang bansa.

Malay mo, nag-bloom ang kanilang relasyon (at least, pagkakaibigan) na nagsimula sa pelikulang ginawa nila.

May haters na nagsasabing user si aktor. Ang motibo ng haters ay para ma-preserve ang love team ng babae.

Pero yung girl na mismo ang nagsabing magpakatotoo na lang at hindi sila magkarelasyon ng ka-love team niyang aktor na napako sa pagpapakilig bilang trabaho lang naman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Walang masama. To each his/her own happiness.

JERRY OLEA: Kapwa single si female TV personality at si mahusay na aktor.

Wala silang tinatapakang ibang tao.

At least, tatantanan na siguro ng haters ang isa pang aktor na matangkad.

Pinaratangan itong user-friendly dahil sa pakikipagkaibigan sa sikat na female TV personality.

Lilitaw at lilitaw ang totoo. Sa tamang panahon, mahihimasmasan din ang haters na nagbubulag-bulagan.

GORGY RULA: Pero alam niyo ba?

Isang kaibigan ni matangkad na aktor ang nakatsikahan ko na kesyo ipinagtapat sa kanyang nagkaroon talaga sila ng espesyal ding relasyon nitong si female TV personality.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, natapos na rin agad ang relasyon nila kaya pumapasok sa kuwento si magaling na aktor.

Maraming eksenang nagaganap diyan sa isla, huh?!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results