Kiray Celis, nagmaganda sa premiere ng Class of 2018

JERRY OLEA: Nagmaganda si Kiray sa premiere night ng pelikulang Class of 2018 nitong Nobyembre 6, Martes, sa Trinoma, Quezon City.

Nagmataray ang kanyang gown na backless, at hapit na hapit sa kanyang katawan.

Ayaw niyang magpalitrato nang nakaupo dahil nagmumukha siyang mataba. Liyad kete liyad siya sa pag-pose.

Kiray Celis
IMAGE Jerry Olea

Feel na feel ni Kiray ang karakter niyang si Venus sa pelikula.

Mahiwaga at mapanukso ang kanyang ngiti, na para bang siya ay Goddess of Love, Beauty, Desire, Sex & Fertility.

At nang lumapit si Kiray sa pogilicious na si Ricci Rivero (sumuporta sa premiere ng movie dahil sa kapwa basketbolistang si Johnvic de Guzman na nasa cast), masuyong humaplos ang kanyang palad sa katawan nito.

Para bang humaplos si Kiray sa poon.

Ricci Rivero
IMAGE Jerry Olea

“Kaibigan ko ‘yan kasi! Sobrang close kami! Very close!” seryosong pahayag ni Kiray.

“Magkasama kami sa Otlum. Sa movie. December 25.”

‘Kakainggit si Kiray! Gaano ba sila ka-close ni Ricci?

“Hawakan levels!” mabilis na tugon ng comedienne.

“Hindi! Charot lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER: Di ba, ang ganda ni Kiray?

Kapuso na nga ba siya?

Hindi ba, may boyfriend siyang nagtuturo sa kanyang ayusin ang business niya?

At totoo bang hindi pa isinusuko ni Kiray ang Bataan?

Kakaiba talaga si Kiray!

GORGY RULA: Hindi pa raw nakapirma si Kiray sa GMA-7 kaya wala pa siyang masasabi kaugnay sa paglipat.

Ang Star Magic pa rin ang humahawak sa kanya kaya wala pang na-finalize.

“Wala pang sinasabi sa akin. Meron kasing unang project pero hindi ko alam kung natuloy siya.

"Pero ipinaalam na sa Star Magic," maingat na pahayag ni Kiray.

Ang unang napabalita ay makakasama siya sa soap na gagawin nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion, pero hindi pa sure si Kiray kung kasali siya roon.

Mabuti na lang at may mga pelikula siyang nagawa at abala siya sa promo ngayon.

Bukod sa Class of 2018 na showing na, magsisimula na rin siya sa promo ng Otlum na entry sa MMFF 2018.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN