NOEL FERRER: Things are certainly looking up for Megastar Sharon Cuneta.
She is making the most of her time doing passion projects, kahit sunud-sunod at nakakapagod.
Nagsu-shooting pa rin si Sharon ng pelikulang Three Words To Forever with Richard Gomez and Kathryn Bernardo. November 28 ang playdate nito.

Special guest ang Megastar sa Regine at the Movies concert ni Regine Velasquez on November 24, sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), sa Cubao, Quezon City.
Ideally, in December, Shawie will start shooting a film with director Erik Matti.
If it pushes through, it will be her first horror film under Reality Films.
By January 2019, magiging abala naman si Sharon sa repeat ng kanyang 40th anniversary concert.
Base na rin ito sa anunsiyo ng kanyang grupo sa pagsagawa ng concert na sina Louie Ocampo, Eloisa Matias, at Rowell Santiago.
As Eloisa puts it, “Jan 26... Araneta Coliseum. May uulit, may itutuloy, maraming babaguhin. Pasasalamat sa kwarenta. See you again, folks.’"
In the meantime, we look forward to Sharon's movie, Three Words To Forever.
Tamang-tama ito sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng Sharon-Richard loveteam.
As I said, I’d celebrate my 50th birthday with this movie!
GORGY RULA: Maganda sa Megastar iyan para tuluy-tuloy ang pagpayat niya.
Meron pang show si Sharon sa Hong Kong sa November 25.
November 24 ay lilipad na sana siya pa-Hong Kong, pero ipagpapaliban muna niya ito dahil gusto niyang makapag-guest sa concert ng Asia's Songbird.
Kaya sa mismong araw ng show na siya lilipad pa-Hong Kong.
Nabanggit naman ni Regine na may binubuong concert na pagsasamahan nila ni Sharon.
Kaya buhay na buhay ang Sharonians!
JERRY OLEA: Sharonian ako ngayon at kailanman.
At love, love, love ko si Goma (palayaw ni Richard) kaya excited ako sa Three Words to Forever.
Ang excitement at pagkakilig ko sa kanilang reunion movie, kapantay ay langit.
Buy one, take one man ang bentahan... minsan, minahal kita, Sharon.
Sapat na ang minsan, pagka’t forever ang pagmamahal na iyan... kahit wala ka na, kahit wala na rin ako!