Diego Loyzaga, inaatake ng lungkot tuwing sasapit ang ber months

by PEP Troika
Nov 8, 2018

JERRY OLEA: Nanlumo ako sa chikang si Diego Loyzaga ang tinutukoy ni Laila Chikadora sa blind item sa Facebook kaugnay sa isang young actor na nagtangkang mag-suicide.

 IMAGE Mark Atienza

Nag-suicide kasi ang paternal half-brother ni Diego na si Christian Angelo, 23, noong Marso 2010.

Si Diego ay 23-anyos ngayon.

Continue reading below ↓

Napakasakit para kay Cesar Montano kung may isa pa siyang anak na magsu-suicide.

Huli kong nakita si Diego sa mediacon ng ABS-CBN teleseryeng Los Bastardos noong Oktubre 10 sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Sa open forum ay inusisa ko si Diego kung nag-hesitate ba siyang tanggapin ang nasabing TV project kung saan ang papel niya ay isang bastardo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maganda at kumukurot sa puso ang tugon ni Diego, sanhi upang palakpakan siya noon.

Matapos ang open forum, nakatsikahan pa namin si Diego. Inamin niyang hindi niya bet ang Christmas vibe.

Nakangiting sambit pa ni Diego, “I’m happy nga na busy ako nang ber months.”

Tanong ng kasamang Julie B. Gaspar, iyon ba ang hugot niya na pagsapit ng ber months o Christmas season ay naaalala niyang hindi kumpleto ang kanyang pamilya?

“Let’s not put into words,” sansala ni Diego.

Ano yung hugot niya pag ber month? Puwede ba niyang i-share?

Continue reading below ↓

“Ahhmm... It’s just the whole... yun na nga, the whole Christmas-y vibe. Gano’n. I’d rather be out of the country,” pag-amin ni Diego.

“Pansinin ninyo, guys, I’m always traveling during the ber months. Iyon na lang iyon.”

Kasama siyempre niya ang inang si Teresa Loyzaga kapag Pasko.

NOEL FERRER: Ang daming lumutang na pangalan kaugnay sa tangkang magpakamatay.

Continue reading below ↓

Pinag-usapan ang isang aktor na galing din sa pamilya ng mga artista na tiyempong pinupukol din ng matinding issue lately.

Dahil malapit ako sa magulang nito, sabi ko ay strong ang foundation at support group nito kaya imposibleng ito ang nagtangkang mag-suicide.

Bagamat natukoy nang si Diego ang sangkot dito, wala pa ring kumpirmasyon mula sa kampo nito at press time. 

Ibayong pag-iintindi at pag-iingat ang kailangan, lalo na sa mga taong dumaraan sa mga pagsubok.

Enough of the hate at pambu-bully!

The risk of suicide is real.

Sana, hindi ito maging option lalo na sa mga taong nangangailangan ng ating malasakit at mabuting pakikipagkapwa-tao.

GORGY RULA: Mahirap pag-usapan ang isyung ito ni Diego Loyzaga dahil usaping attempted suicide.

Maselang paksa ito na mahirap magkomento dahil pawang espekulasyon pa lamang lahat at walang nagkumpirma mula sa kampo ng young actor.

Pero kung si Diego nga ito, tingin ko ay malalagpasan niya ang kung anumang pinagdadaanan niya dahil nandiyan si Teresa Loyzaga na nakatutok sa kanya.

Continue reading below ↓

Nabanggit noon ni Teresa na pareho silang abala ni Diego sa trabaho, pero meron silang inilalaan na kahit isang araw para lumabas, mag-dinner, at mag-bonding.

Abala si Diego sa Los Bastardos, habang si Teresa naman ay sunud-sunod ang taping ng GMA prime time series na My Special Tatay.

Meron silang malaking white board sa bahay nila na kung saan nakalagay ang schedule nilang mag-ina.

Tinitingnan nila kung aling araw ang pareho silang bakante para roon sila mag-bonding.

Sana, magkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Cesar at Teresa para sa kanilang anak.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results