Mr. Fu, naloloka sa mga radio caller na pumapayag maging third party

Mr. Fu, naloloka sa mga radio caller na pumapayag maging third party
by PEP Troika
Nov 8, 2018

JERRY OLEA: Hindi akalain Mr. Fu na tatagal siya bilang radio jock ng sampung taon.

 IMAGE Mr. Fu's Facebook

Lubos ang pasasalamat ni Mr. Fu sa mga tagasubaybay niya sa radyo, na kahit papaano ay napapasaya at nabibigyan din niya ng inspirasyon.

Post ni Mr. Fu sa Facebook nitong Nobyembre 8, Huwebes ng umaga, “Ngayon ang 10th anniversary ko sa radyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Lakas maka-lola! At imagine kung ilang beses ko nang sinabi ang ‘may gano’n?!’)

“Di ko inakalang magiging radio jock ako (akala ko kasi, magiging beauty queen ako) pero dito ako napadpad.

“Mula sa pagiging tv police reporter (nang 8 years, ha), naging tagabulabog ng buong universe...”

Nag-PM o private message ako kay Mr. Fu.

Sa sampung taon niya sa radyo, ano ang pinakanakakalokang episode?

Reply ni Mr. Fu, “Simula nung magbigay ako ng love advice on-air, nakakaloka palagi yung problema sa third party.

“Iyong mga pumapayag silang maging third party, yung mga gigil na gigil sa babae ng asawa o boyfriend nila, yung daig pa ng teleserye ang mga eksena at linya nila. Pang-award!

“Pero ang mga di ko makakalimutan talaga, e, yung mga lumalapit sa akin sa labas para lang magpasalamat dahil napapasaya ko sila.

"Napakalaking bonus.

“Naalala ko, may isang nanay. Lumapit sa akin sa grocery. Naluluha.

"Finally raw, nakita niya ako na nagpapasaya sa anak niyang naospital. Ako raw ang laging pinapakinggan kahit may karamdaman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kinumusta ko ang anak niya. Wala na raw. Pumanaw na.

“Na-tense lang ako. Nakiramay ako. Hinawakan niya ako at nagpasalamat ulit at ipagdadasal daw niya ang tagumpay ko.

“Dramatic, di ba?! Pero nakakaantig. Marami pang mga eksenang ganyan. Sari-sari.

“Nagpapasalamat lang ako sa oportunidad na ito, na magpasaya at hopefully mag-inspire. Mag-inspire?! May ganun?!”

NOEL FERRER: Nag-message ako sa Facebook thread ni Mr. Fu—o  Jeffrey Espiritu sa totoong buhay—at nakikiisa ako sa pagdiriwang ng 10th anniversary niya sa radyo.

Tahanan at safe refuge ni Jeff ang radyo pero marami pa siyang kayang gawin.

Nagsimula na siyang lumikha ng artwork at hindi na lang basta collector ngayon. Maganda iyan!

Sana, seryosohin niya ang pagsusulat. Humanap siya ng mahusay na ka-collab.

May lyrics na iyan ng kanta.

Bukod pa diyan ay kaya niyang gumawa ng magagandang storyline.

Kailangan lang niya nang magpu-push sa kanya to be the best that he can be and to start pursuing bigger dreams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas kasi, yung mga magagaling magbigay ng advice ang kailangan ng gabay.

Nandito lang tayo kay Mr. Fu na nakasuporta lagi.

GORGY RULA: Mula sa Energy FM, nasa Win radio na si Mr. Fu.

Mukhang win na win ang kalagayan niya sa radio program niya rito.

Noong nasa dating istasyon siya, ang extro niya pag magpapaalam, “Magsama uli tayo bukas, I suppose.”

Kasi, ang dami niyang isyu sa dati niyang radio station to the point na maaring hindi na siya eere kinabukasan.

Nangyari nga ito.

Pagkaalis niya roon, pumasok si Papa Jack (na naging Papa Jackson). 

Paglilinaw naman ng istasyon, hindi pinalitan si Mr. Fu ng sikat ding radio jock.

Ang latest na narinig namin, mas mabilis mag-rate pataas ang radio program ni Mr. Fu dito sa Win radio kesa sa iniwan niyang istasyon.

Kaya ang regular niyang extro sa programa niya ngayon, “Magsama uli tayo bukas!”

Kasi, sure na sure siyang tuluy-tuloy lang ang pag-ere niya sa kasalukuyan niyang istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Happy 10th anniversary, Mr. Fu!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, PEPalerts
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results