Goodbye, Cesar Montano Challenge; Hello, Glorious Challenge!

JERRY OLEA: Panis na ang Cesar Montano Challenge.

Ang kumabog, Glorious Challenge. Or is it Tony Labrusca Challenge?

“I-Tony Labrusca mo ako!”

 IMAGE Noel Orsal / Facebook

Nang-inggit si John “Sweet” Lapus sa Facebook, “45 ako, 20 siya! Angel Aquino ako tonight. #Glorious”

Nagmaganda si Chokoleit, “Sweet, excuse me. Nauna na ako bilang Angel Aquino,” at ibinihadhad ang litratong nginangasab siya ng lalaki side by side ng French kiss nina Tony at Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Chokoleit, “Iyong kay Angel, Glorious. Iyong akin, Sorrowful.”

Meron din kayang hihirit ng Joyful o Luminous?

Because you want it... worldwide na ang Glorious streaming sa Nobyembre 17.

Hindi na lang sa iWant TV ito mapapanood kundi maging sa TFC Online.

Nagpa-presscon ang martial law movie nina Eddie Garcia and Tony Labrusca na ML noong Nobyembre 6, Martes, isang araw bago ipalabas ang Cinemalaya movie na ML.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naglabasang write-ups kay Tony... Glorious.

Na-preempt ng Glorious ang pelikulang My Stepmother’s Lover, kung saan cougar-cub ang romansahan nina Sunshine Cruz at Kiko Estrada.

Natapos na ba ni Direk Adolf Alix Jr. ang last shooting day nito?

Post ni Direk Concepcion Macatuno, as of November 8 ay umabot na sa 12.5M ang views sa first trailer ng Glorious.

Humanda tayo sa second trailer nito!

GORGY RULA: Kasu-showing lang ng ML, 'tapos Glorious na ang pinag-uusapan.

Obviously, hindi nakatulong sa pelikula ngayon ni Tony with Eddie Garcia ang digital movie nila ni Angel Aquino.

NOEL FERRER: It seems na it’s really not about Tony Labrusca dahil wala pang half a million pesos ang first-day gross ng ML movie niya with Eddie Garcia.

Baka ayaw riin ng mainstream audience ang political story.

Yung Class of 2018 ay nasa P300K lang at yung To Love Some Buddy ay nasa P21M na first-week gross, samantalang ang First Love ay naka-P70M na total run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang maganda ang move na digital streaming ang Glorious dahil bagong platform ito.

I can’t wait to attend its premiere sa November 15 and know the audience's response kapag available na ito sa iWant TV at TFC Online.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close