Beauty Gonzalez at Enzo Pineda, pinalitan sina Megan Young at Mikael Daez sa horror movie

by PEP Troika
Nov 15, 2018

GORGY RULA: Sina Beauty Gonzalez at Enzo Pineda ang kinuhang kapalit nina Megan Young at Mikael Daez sa horror film na may tentative title na Hipnotismo, na ididirek ni Joey Romero under BG Films.

Enzo Pineda and Beauty Gonzalez
 IMAGE Gorgy Rula

Nagkaroon ng story conference ang naturang movie project nitong November 14, Wednesday.

Continue reading below ↓

Doon sinabi sa aming hindi na sina Megan at Mikael ang bida dahil ayaw raw gawin ni Megan ang kissing at love scene sa naturang pelikula.

Sina Beauty at Enzo ang ipinalit na walang problema sa sexy scenes.

Pahayag ni Enzo, “I’m doing naman Bench body… parang comfortable naman ako if ever. Let’s see.”

Ganundin si Beauty na hindi isyu sa kanya ang daring scenes.

“Sa akin naman, I kissed on TV, okay lang naman yun,” pakli ng Kapamilya actress.

“Tungkol sa mga daring, I’m a Bench model too, and I’m very proud of my body, of what I have right now.

“So, if I have it, flaunt it. Okay lang, as long as may takip naman ang boobs ko at puwet ko, okay lang sa akin.

“It’s just work, and wala namang problema yan sa asawa ko. Saka alam naman niya na pinakasalan niya ako sa kung ano mang trabaho meron ako ngayon.”

Continue reading below ↓

Hindi raw alam ni Beauty kung sino ang first choice na siya ang ipinalit.

“Kahit sino naman ang ibigay sa role na ito, thankful ako na sa akin napunta,” pakli ni Beauty.

Sabi ni Direk Joey, mas okay na si Beauty ang kinuha dahil kukunan ang kabuuan ng pelikula sa Dumaguete City kung saan tagaroon ang Kapamilya actress.

Samantala, tinanong na rin ng PEP Troika si Beauty tungkol sa naudlot na paglipat niya ng GMA-7.

“I was just being a good neighbor.

“Kung ano man ang nangyari sa career ko ngayon… I’m just being a good neighbor.

“Hopefully, next year. I’m trying my best and, you know, good things happen to good people.

"So, I believe in those things," safe na sagot ni Beauty.

Hindi rin natuloy ang pag-alis niya kay Arnold Vegafria bilang manager.

JERRY OLEA: Sa pelikulang ito pa lang talaga magbibida nang ganap sina Beauty at Enzo.

Continue reading below ↓

One of those lang ang 28-anyos na si Enzo sa Bar Boys at Da One That Ghost Away, ganun din ang 27-anyos na si Beauty Gonzalez sa Bes and the Beshies.

Kung kissing scene ang pag-uusapan, siyempre pa, ang pagbabasehan ay ang Glorious scene nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Hypnotizing!

NOEL FERRER: Meron ding pelikulang Time and Again sa Regal Films si Enzo Pineda.

Kapartner naman niya rito si Winwyn Marquez.

Well, dito na mate-test kung may audience at following siya talaga.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results