Ronnie Liang, excited sa collaboration nila ni Sarah Geronimo

by PEP Troika
Nov 16, 2018

JERRY OLEA: Excited si Ronnie Liang na makipag-collaborate kay Sarah Geronimo sa isang kanta.

Aprubado na ito sa Viva Records, at pinipili na ang materyal.


 IMAGE Noel Orsal / @ronnieliang on Instagram



First time ito ni Ronnie na makipag-collaborate sa isang artist.

“Natuwa nga po si Sarah. Nangumusta siya, at siya rin po ang nag-follow up ng song namin,” sambit ni Ronnie nang makausap namin nitong Nobyembre 15, Huwebes ng hapon, sa Via Mare, Timog Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

Revival ba o original ang kakantahin nila?

Sagot ni Ronnie, “Original. Iyon din ang gusto niya.

“Kung puwede raw, original. Love song. Mga hugot.

"Yung parang 'Say Something' ng A Great Big World at ni Christina Aguilera. o kaya 'Perfect' ni Ed Sheeran at Beyonce.

"Ganun, pero Tagalog—OPM.”

Iyong estilo ng pagkanta ni Ronnie, hindi nalalayo sa estilo ngayon ni Moira dela Torre.

Sabi ni Ronnie, “Mas mahangin lang siya pero... ganun ho talaga, nag-e-evolve po yung ano ngayon.

“Siyempre, we respect yung artistry...

"I like Moira. I congratulate her. I like her songs."

Naku! Wish ko lang na after Sarah, makapag-collaborate rin si Ronnie with Moira.

Available na ang fifth studio album ni Ronnie—ang self-titled Ronnie Liang—kung saan ang letrang "R" ay hugis 12, to signify his 12th anniversary in showbiz industry.

Nakapaloob dito ang mga kantang "Tila," "Ligaya," "Yakap," "Sa ‘Yo Na Lang Ako," "Pakisabi Na Lang," at ang minus one ng mga iyon.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mabuti na lang at binigyan pa siya ulit ng break ng Viva Records, kaya bumalik ang sigla ng singing career ni Ronnie.

Sana, pagkatapos ng "Ngiti," meron pa siya uling mapapasikat na kanta.

Tiyak na mapapangiti rin si Ronnie pag mabalitaan niyang ang dating mentor at discoverer niyang alam kong bading ay nagpakasal sa isang mayamang babae sa Amerika.

Hindi rin kasi madali ang mga pinagdaanan nilang dalawa noong sumasali pa si Ronnie sa mga talent-reality search.

NOEL FERRER: Tama! It’s time for Ronnie to record new original songs, dahil itong mga huling inilalabas niya ay pawang revivals.

Good na sumubok na siyang mag-theater at pelikula.

Pero since he’s back to his original talent and passion, sana, e, lalo pang magmarka si Ronnie.

Ano pa kaya ang kulang para magtuluy-tuloy ang sigla ng kanyang career?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results