NOEL FERRER: May nanalo na!
Kay Jed Madela na ang korona!

By now, he would be holding the record para sa pinakamatagal at pa-morningan na performance ng isang artist sa isang major solo concert.
Hands down, tinalo niya si Sharon sa Solaire dahil si Jed ay kumakanta pa ng Christmas song by National Artist Maestro Ryan Cayabyab with the UP Madrigal Singers.
Kahit ang Concert King na si Martin Nievera, sa public comment niya, ay sumasang-ayon na Jed’s concert might very well be the best solo major concert act by a male artist this year.
He sang his originals, his covers, his hilarious impersonations, a bravura theater suite, the classical numbers, the novelty materials, pati na ang Queen tribute with exceptional guests, great arrangements, at loyal audience, kasama na ang editor na si Maricris Nicasio na ilang beses nag-standing ovation at walang pakialam kung umagahin.
At kumanta pa si Jed ng “Mag exercise tayo tuwing umaga!”
Actually, nagmo-MORE pa ang mga tao—kahit "Good Morning" na ang batian paglabas ng Araneta.
Congratulations, Jed! Tama si Regine. Isa ka talagang ALIEN!
JERRY OLEA: Higher Than High ang title ng 15th anniversary concert ni Jed.
Dapat lang na maging longer than long ito.
Pagkagaling-galing ni Jed sa impersonation kina Regine Velasquez, Lea Salonga (na nasa audience), Jaya, Jessa Zaragoza, Ogie Alcasid at Mommy Dionesia Pacquiao.
Isinigaw ng mga tao na gayahin niya ang karibal niyang si Erik Santos pero baka sa back-to-back concert na nila gagawin yun!
With flying colors (more colorful than the rainbow) ang pa-concert na ito ni Jed!
GORGY RULA: Kasama namin ang grupong BoybandPH dito sa CamSur.
Nang nakasabay namin sila kanina sa eroplano pa-Naga City, mukhang lupaypay sila nang husto.
Kagagaling lang nila sa concert ni Jed Madela.
Bongga si Jed, nagbe-blend siya sa guests niya sa concert na yun, mapa-veteran man o millennial singers!