Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Regine Velasquez, reynang-reyna sa bagong ASAP; nagreyna rin kaya sa ratings?

by PEP Troika
Nov 19, 2018

JERRY OLEA: Siyempre pa, interested tayo sa Sunday (November 18) noontime ratings, lalo pa’t inilunsad ng ABS-CBN at GMA-7 ang kani-kanyang Christmas station ID sa magkatapat na programa.

Sa Kapamilya Network ay ni-reformat ang ASAP into ASAP Natin ‘To, kung saan reynang-reyna ang dating ni Regine Velasquez.

Ayon sa national ratings (urban & rural homes) ng Kantar Media, nagtala ang ASAP Natin ‘To ng 15%, samantalang ang Sunday PinaSaya ay nakakuha ng 9.6%.

Continue reading below ↓

Sa NUTAM (AGB Nielsen), nagtamo ang ASAP Natin ‘To ng 5.7%, samantalang ang Sunday Pinasaya ay nagkamit ng 6.3%.

NOEL FERRER: In fairness, ako siguro talaga ang market ng ASAP, o para full disclosure, I was part of the original team kaya siguro may malasakit ako sa programa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isa ako sa mga kinabahan sa pagkukunek nito sa nagbabagong TV audience.

I saw the effort of the new team para magbigay ng mas may laman at may istoyang panoorin. I laud them for their effort.

Pero sana, they are more transparent with their people in explaining what’s happening with the program.

Kasi, kawawa ang artists na left in the dark sa mga pagbabagong ito.

We embrace change, but in doing so, one must know how to handle people well and with utmost honesty and consistency.

Sa huli’t huli, ang dapat manalo rito ay ang audience—para bawat programa ay on their toes in giving us the best that they’ve got—in the most fulfilling and humane manner.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Buhay na buhay ang netizens habang pinapanood ang ASAP Natin ‘To at Sunday PinaSaya.

Ang ilang komentong narinig namin, sa bagong reformat na ASAP, mas matataypan ng mga mature audience.

Hindi raw ito gaanong masakyan ng millennials.

Samantalang ang katapat na Sunday PinaSaya, binalikan nila ang mga nag-hit na sitcom ng GMA-7 na bumagay naman dahil pa-comedy itong programa.

Comedy kasi ang isa sa mga strength ng Kapuso network.

May iba pang pinaglaruan ang ASAP, kung saan may memes silang ginawa na kinuha ang isang album cover ni Regine na nakahiga, at may kuha rin si Sarah Geronimo na natutulog.

Lupaypay na raw sa pagod ang dalawang main hosts dahil ang dami nilang ginawa sa ASAP.

Maganda ang resulta nitong bagong format na show dahil tumaas ang rating nito, kahit natalo pa rin ng SPS, ayon sa AGB NUTAM.

Sana, kayanin ng ASAP na pataasin pa nila ito, dahil kung mananatiling wagi pa rin ang SPS, malamang na papalitan na lang ang buong programa.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results