JERRY OLEA: Nakatakdang mag-start ang shooting ng bagong LizQuen movie next month.
Matatagalan pa ang Darna movie ni Liza Soberano.

“Yeah. Kasi, may injury po siya from Bagani,” sabi ni Enrique Gil last Saturday, November 17, nang makausap namin sa Naga City, matapos siyang mag-perform sa grand launch ng Aki Kan Camarines Sur.
Nagpalit ng direktor ang Darna, at hindi pa finalized ang script.
“Yeah, yeah. Pero the main reason is... her surgery. So, while she’s recuperating, wala munang action scenes,” paglilinaw ni Enrique.
“Magmu-movie muna kami.”
First time nilang ididirek ni Antonette Jadaone, sa produksiyon ng Black Sheep.

“I like the story. It’s not a fairy tale-love story... I think the imperfect relationship is what makes the story really good.
“So, people watching it, parang... ‘Hey! I can understand what is going through. Ganito ako!’
“So, different ang dynamics ng movie na ‘to. Kasi, sabi ko, gusto ko ng ibang dynamics from previous movies.”
Baka magulat ang fans...
“It’s more mature,” napangiting sambit ng aktor. “It’s something new kasi... As an actor, you don’t want to do the same thing over again.”
May ibang projects na iprinisinta ang ABS-CBN sa kanila na hindi nila nagustuhan.
Dagdag ni Enrique, “They pitched a lot of stories to us. On the third pitching, this is the one that really captured us.”
NOEL FERRER: Of course, alam ko itong project na ito! At magkakaroon na sila ng storycon within the week!
It will be directed by Antoinette Jadaone at ito’y tungkol sa isang classic art work na magkakaroon ng malaking impact sa pagmamahalan ng characters nina Liza at Enrique.
Kaabang-abang ito, at kung masusunod ang schedule, matatapos nila ito in time for Valentine’s Day 2019!
GORGY RULA: Sobrang excited si Enrique sa mga nangyayari sa kanyang career.
Bukod sa pelikula nila ni Liza, may isa pa siyang nilu-look forward na bonggang project na solo niya.
Movie ba ito o TV series?
"Secret muna, e," nakangiting pahayag ni Enrique.