Hunk actor, pumayag magpa-booking sa halagang P20K

by PEP Troika
Nov 24, 2018

GORGY RULA: Nakaramdam ng init sa katawan si mayamang bading nang makita si hunk actor sa isang showbiz event.

Ang pagkakaalam niya ay nagpapa-booking si hunk actor sa mayayamang bading at matrona.

Matagal na siyang may naririnig tungkol sa hunk actor kaya nagtanung-tanong siya kung paano niya ito matitikman.

Hindi siya nahirapan dahil kachikahan ito ng kaibigan niyang isa ring model-actor na nagpapa-booking din.

Continue reading below ↓

Kinausap ni model-actor si hunk actor tungkol sa pagnanasa ni mayamang bading.

Pumayag si hunk actor sa halagang PHP20,000.

Kaagad na ipinarating ni model-actor kay mayamang bading na okay na si hunk actor, basta pay ito ng PHP20K.

Biglang umatras si mayamang bading. Parang nanghinayang itong maglabas ng ganoong halaga.

Hindi na siya tumuloy.

Nagulat kami nang nakarating sa amin ang kuwentong ito dahil hindi nawawalan ng trabaho si hunk actor.

May regular na programa ito sa TV at may konting negosyo ito kasama ang ibang kaibigan.

Saka parang ang baba ng PHP20K na bayad, samantalang narinig namin na may kumuha sa kanya noon sa halagang PHP30K.

Bumaba na ba ang market value ni hunk actor... o discounted price yun dahil ang kaibigang model-actor ang tumayong agent?

JERRY OLEA: Noong nagmomodelo pa lang si hunk actor, ala-alaga ito ng isang bading na society columnist.

Naimbiyerna si society columnist sa mestisang aktres na naging GF ni hunk actor.

Continue reading below ↓

Feeling ni society columnist, bad influence si mestisang aktres sa kanyang alaga.

Sa paglipas ng panahon ay humiwalay si mestisang aktres kay hunk actor at nagmahal ng iba. Lumagay na ito sa tahimik.

Ang bading na society columnist ay tahimik nang nagpapahinga.

Katakam-takam pa rin ang hunk actor, at ang kanyang ngiti ay may hatid na init at kiliti.

NOEL FERRER: Matagal nang napabalitang pa-booking itong hunk male starlet (wala pa siyang napatunayan sa kanyang pagka-aktor or star, ha?!).

Hindi ba’t naging apple of the eye din siya ng isang sikat na celebrity gay?

At ikaw, Tito Gorgs, hindi mo ba pinagnasaan din ang male starlet na ito?

Maglalabas ka ba ng PHP20-30K para sa kanya?

Yun na!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results