Daniel Padilla, todo ang suporta sa girlfriend na si Kathryn Bernardo

JERRY OLEA: Todo ang suporta ni Daniel Padilla sa kasintahang si Kathryn Bernardo.

Si Daniel ang nag-cut ng ceremonial ribbon sa grand opening ng limang sangay ng Kathnails Salon ni Kath—SM North EDSA The Block, SM MoA, SM Southmall, Robinson’s Place Manila, at Ayala Cloverleaf Mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
kathniel
 IMAGE Instagram

Sa pelikulang Three Words to Forever, storycon pa lang ay nakasuporta na si Daniel.

Dumalaw si Daniel sa location shoot ng movie sa Ormoc City. Kinausap ni Daniel ang katambal dito ni Kath na si Tommy Esguerra para mapalagay ang loob nito.

Noong gabi ng mediacon, pinuntahan ni Daniel si Kathryn sa dressing room nito.

Hindi umeksena si Daniel sa Dolphy Theater na venue ng mediacon bilang respeto sa mga artista ng pelikula.

Abangan natin kung sasamahan ni Daniel si Kathryn sa premiere at block screenings.

November 29, Huwebes, ang flight ni Kathryn para dumalo sa Los Angeles, CA premiere screening ng Three Words to Forever sa December 1.

Sasamahan din ba ni Daniel si Kathryn para magbakasyon at i-enjoy ang White Christmas?

Siyanga pala, kasado na ang global playdates ng Three Words to Forever...

December 6: Papua New Guinea, at Middle East
December 7: USA, at Canada
December 8: Sweden (Gothenburg)
December 8 & 9: UK
December 9: Denmark (Jylland), Ireland (Dublin), Italy (Rome, Milan & Florence), Norway (Kristansand), at Spain (Madrid)
December 13: Australia, at New Zealand
December 16: Norway (Oslo)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: In fairness, grabe talaga ang suporta ni Daniel kay Kathryn sa pelikulang ito.

Naikuwento ni Sharon Cuneta na nag-stay si Daniel ng close to five days sa Ormoc habang nagsu-shooting sila.

Nandun lang at nakasuporta si Daniel... hindi nang-aagaw ng atensiyon.

Nag-wakeboarding pa raw siya at in-enjoy talaga ang Ormoc.

Ngayon, hanggang sa showing ay todo-suporta pa rin ito. Ibang klase ang KathNiel!

Biniro pa raw ni Shawie si Goma na, “Sana, ganun ka katulad ni Daniel noong araw.”

“Nakaka-inspire talaga sila,” sabi ng Megastar.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close