GORGY RULA: Nataranta noong nakaraang linggo ang production staff ng isang weekly program kay beteranang aktres na kinuha nilang magbida sa isang episode.
Tawagin natin siyang si Choosy Actress (CA).

Maganda ang role, kaya kaagad itong tinanggap ni CA pagkatapos niyang basahin ang script.
Sa kuwento, mai-involve siya sa tatlong lalaki na gagampanan ng tatlong kilalang aktor.
Ang napili ng production staff na tingin nila ay babagay kay Choosy Actress ay si sportsman na umaarte rin, si singer-actor, at ang magaling na beteranong aktor na active sa mga isyu sa ating bansa.
Tinanong ni CA kung sinu-sino ang tatlong aktor na gaganap na leading men niya.
Hindi pala type ni CA silang lahat! Gusto niyang papalitan.
Heto ang komento ni CA sa tatlong aktor na ito...
Kay sportsman-actor, “Ang tanda naman niyang para maging partner ko!”
Kay singer-actor, “Ang pandak niyan para sa akin!”
Kay veteran actor, “Hindi kami magkaliga!”
Nag-suggest si CA na kunin si actor-director na kapangalan ng isang lalawigan sa Mindanao dahil tingin niya, mas bagay sila.
Pero hindi pala ito puwede sa ibinigay na taping schedule.
Kesa mamroblema ang produksiyon sa ipapalit sa tatlong aktor, si CA na lang ang pinalitan.
Nangarag lang ang production staff sa paghanap ng ipapalit dahil taping na kinabukasan.
Naloka ang production dahil bakit pati ang casting ay pinapakialaman na ni Choosy Actress.
Sino siya?
Makikita ninyo ang initials ng tunay na pangalan niya sa taguri sa kanya bilang Choosy Actress.
JERRY OLEA: May ‘K’ pumili si Choosy Actress ng proyekto.
Pinapangalagaan niya ang kanyang career.
Hindi niya kawalan kung pinalitan man siya ng produksiyon sa nasabing episode.
Doon sa huli niyang TV series ay hinintay ng produksiyon ang kanyang availability.
De kalibre si Choosy Actress, at mabubuhay siya nang marangya kahit hindi na siya magtrabaho.
NOEL FERRER: Mahirap talagang hulaan ang item na ito.
Mahal ko rin ang beteranang aktres na ito.
Yes, piling-pili talaga ang nilalabasan niya.
Ganun dapat if you want to keep your integrity and premium.