John Estrada at Derek Ramsay, pinasok na ang pagma-manage ng talents

by PEP Troika
Nov 27, 2018

GORGY RULA: Nagpadala si Priscilla Meirelles ng mensahe sa PEP Troika kaugnay sa acting workshop para sa bubuksan nilang talent agency.

Narito ang announcement ng misis ni John Estrada:

“Starting this December 01, DJRE will be conducting its NEW Batches of Workshop (basic & intensive acting workshop).

“The workshops are conducted at Branches of KMC.Solutions, DJRE Official Workspace Partner in Metro-Manila. Workshops are limited and for 3 age categories: kids, teens & adults.

“For more inquiries, please contact DJRE office at 029262070, 09390370445, facebook or instagram pages @djreentertainment or through website: www.djreentertainment.com (wink)

“DJRE is also scouting talents through its website. To become a DJRE Entertainment talent, all they need to do is to register online at www.djreentertainment.com/talent-registration

“We are looking for all kinds of talents, from models, actors, to performers of all ages.”

Kasama ni Priscilla rito ang asawang si John at ang kaibigan nilang si Derek Ramsay.

Derek Ramsay (left) and John Estrada
 IMAGE Instagram
Continue reading below ↓

Nabanggit ito ni Derek noong nakaraang grand launch ng isa pa nilang negosyong Kyzox Foundation, kung saan ka-partner din niya ang mag-asawang John at Priscilla.

Sabi ni Derek, matagal na nilang napagkasunduan ni John na mag-manage na rin ng talents lalo na ang bitplayers na madalas na kailangan sa tapings at shootings.

Sabi ng aktor, “We have a talent agency that everyone can help and protect the smaller talents. Give them workshops for free para hindi sila sinisigawan sa set.

“The smaller guys... they all are the pieces of the bigger picture of the entire film and without them, we can’t create the entire film.”

JERRY OLEA: Ginanap nitong Nobyembre 10 & 11 ang 91st batch ng Ogie Diaz Acting Workshop.

Teens ang workshoppers, at si Candy Pangilinan ang mentor.

Nobyembre 17 & 18 naman ang 92nd batch, kung saan si Ogie Diaz mismo ang mentor ng nag-workshop na teens.

Continue reading below ↓

May pa-workshop muli si Ogie sa Nobyembre 30 & Disyembre 1.

Ito ay para sa Singing Performance Workshop (8 y/o or older), at Teens & Adults Acting Workshop (13 y/o or older).

Sa mga gustong mag-enrol, mag-PM ( private message) sa Facebook page na Ogie Diaz Acting Workshop, or follow @ellenworkshop on Instagram.

NOEL FERRER: OK itong mga ganitong efforts ng talent development, basta hindi lang komersiyo ang intensyon kundi ang tunay na makatulong sa pagpapaunlad ng talent at career ng mga gustong mag-artista.

Teka, papasukin na ba nina Priscilla, John, at Derek ang talent management and development?

Kakaibang larangan at hamon ito sa kanila kung sakali.

And the tall order is living by example—on how well they manage their own careers!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results