Aktres, nagbigay-tulong sa Marawi soldiers nang walang publicity

Aktres, nagbigay-tulong sa Marawi soldiers nang walang publicity
by PEP Troika
Nov 29, 2018

JERRY OLEA: May pa-blind item si Tim Yap nang mag-host siya sa presscon ng Frontrow Cares musicfest nitong Nobyembre 28, Miyerkules ng hapon, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Salaysay ni Tim, “After ng Marawi [siege], yung mga sundalo... di ba? May isang aktres, one of the endorsers of Frontrow, good friends of Frontrow...

“She was gonna celebrate her birthday. She went to the soldiers of Marawi na walang publicity, but asked Frontrow for help.

“And Frontrow was one of the people who helped and gave as much as they can in terms of products and support, and walang publicity.

“Wala ni posting about... kasi, nandoon po ako, e, kaya alam ko. Kasi, sumama ako doon.

“Kasama ako sa mga nag-distribute ng goods sa mga sundalo na walang paa, walang kamay, nasabugan and everything. Ayun...

“It was done without any publicity. No photos. No posting on social media...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahulaan ni Manay Lolit Solis kung sino ang nasabing aktres.

“Never niyang inilabas yun,” dagdag ni Tim.

Itong Frontrow Cares musicfest ay gaganapin sa Disyembre 16, Linggo, 4:30 p.m. to sawa, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Kabilang sa performers dito si Jake Zyrus, na kalahati ng talent fee ay ido-donate sa charities.

Lahat ng kikitain sa musicfest ay mapupunta sa kawang-gawa.

Iyong nakaraang produksiyon ng Frontrow, ang re-staging ng dulang M. Butterfly na pinagbidahan ni RS Francisco, ang nalikom na pondo ay ipinamahagi sa 28 charities—bilang paggunita sa 28th anniversary ng nasabing palabas.

Hopefully, mas marami pa ang beneficiaries nitong Frontrow Cares.

NOEL FERRER: Marami talagang mga tumulong sa rebuilding ng Marawi na hindi o ayaw nang pangalanan.

Mas wagas kasi yun kaysa yung ipinangangalandakan pa.

Ang tanong ko: ano na ang nangyari sa efforts ng grupo ng Spring Films pati na ni Robin Padilla sa paggawa ng pelikula about Marawi after mag-resign ang direktor nitong si Sheron Dayoc?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tuloy pa ba ito?

Tulad ng pagsasaayos ng lugar, parang isang malaki at masalimuot na trabaho ang pagbangon muli sa proyektong ito!

GORGY RULA: Endorser kasi ng isa sa mga produkto ng Frontrow itong aktres na ito. At ramdam ko ang pagiging totoo niyang gusto talagang tumulong, not for publicity.

Sana, hindi na lang ikinuwento sa press kung ayaw nila talaga ng publicity.

May ilan namang wala talagang publicity dahil gusto na nilang itago dahil kumita sila rito.

Di ba, sabi nga ng ilan, may mga kumita na dahil sa mga pautot nila sa Marawi, at pati sa Yolanda victims, huh!

Pagkatapos kaya ng term ni President Duterte, makakabangon na talaga ang Marawi?

Kasi, kahit ang ilang nasalanta ng bagyong Yolanda, wala pa ring nangyari sa kanila.

Pero may mga yumaman na mula sa mga tulong na dapat para sa kanila.

Ang ipinagdasal ko talaga, wala na sanang dumating na matinding trahedya dahil ang mga biktima ang lalong nagmumukhang kawawa, pero gamit na gamit na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hay! Mauubusan na ako ng hangin sa kabubuntung-hininga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results