Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mestisong singer-actor at moreno actor, panay ang raket sa Japan

by PEP Troika
Dec 1, 2018

JERRY OLEA: Kauuwi lang sa bansa ng mestisong singer-actor mula sa Tokyo, Japan.

Konti lang ang raket niya roon dahil hindi siya mahilig uminom, unlike the moreno actor na nakasabay niya roon.

Nagmana ang morenong aktor sa ina niyang aktres, na hindi agad-agad tinatablan ng alak.

Nag-iwasan ang mestisong singer-actor at morenong aktor na magkasabay sa onsen (Japanese hot spring), kung saan ang mga kliyente ay pawang walang saplot.

Nahiya-hiya pa rin ang mestisong singer-actor noong una nang maghubo’t hubad siya, pero dedma lang ang mga parukyano roon na karamihan ay banyaga.

May dugong-dayuhan ang mestisong actor-singer at maipagmamalaki niya ang kanyang ari-arian.

Makalipas ang 10 minuto sa onsen ay hindi na conscious si mestisong singer-actor na mag-birthday suit.

NOEL FERRER: May ipagmamalaki ba talaga ang mestisong singer-actor na ito, Tito Gorgy at Tito Jerry?

Sayang at hindi natin matanong ang isang direktor na ang tawag sa kanya ay Isang Linggong Pag-ibig.

Continue reading below ↓

In any case, isang magaling na not-so-young actress na nakarelasyon niya ang puwedeng makapagpatunay.

What do you think?

GORGY RULA: Kuwento ni mestisong singer-actor, pabalik-balik doon si morenong aktor kasama ang asawa niya at anak.

Mabait lang daw ang ibang may-ari ng clubs doon na Pinoy kay pinaparaket nila si morenong aktor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Super-sikat kasi ang magulang ni morenong aktor kaya kahit paano, nagagamit sa mga raket niya roon sa Japan.

Pinagtiyagaan na ito ni morenong aktor kesa umasa siya sa daddy niya.

Hirap pa siyang magkaroon ng regular show dito, kaya puwede nang... Japan-Japan, sagot sa kahirapan!

Read Next
Read More Stories About
PEP Troika blind item
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results