Mr. Universal Ambassador 2018 George Reylor de Lumen, gustong sundan ang yapak ni Jericho Rosales

by PEP Troika
Dec 4, 2018

JERRY OLEA: Wagi ang 23-anyos na si George Reylor de Lumen (ng Marikina City) sa 4th Mr. Universal Ambassador noong Nobyembre 24 sa New Delhi, India.

 IMAGE George Reylor de Lumen Facebook

“December 15, pupunta po ako sa Thailand para mag-visit doon kasama ang head ng Mr. Universal Ambassador,” kuwento ni George nang mainterbyu namin nitong Disyembre 3, Lunes sa Choi Garden, Annapolis St., Greenhills.

Continue reading below ↓

“Sa 17 naman, pupunta ako sa Indonesia para po mag-sign ng contract. One week po ako roon.

“Doon ko pa lang po malalaman ‘yung mga modeling agency na ibibigay sa akin ang mga project.

“Then, babalik po ako sa Philippines. February 17 na po ang balik ko roon para gampanan ‘yung mga tungkulin ko bilang Mr. Universal Ambassador.

“Kasabay po nu’n iyong bibigyan po nila ako ng project, or mga offer na tatanggapin ko. Kasi, doon po naka-base sa Indonesia ang Mr. Universal Ambassador.

“Pag naging successful po ako roon, pag nabigyan po ako ng mga project, like TV or commercial project, mag-i-stay po ako roon nang three to six months.

“Pero pag hindi... pag hindi naging maganda ang career doon, babalik po ako ng Philippines para dito ko i-pursue ‘yung pangarap ko na maging aktor.”

Nais sundan ni George ang mga yapak ng kapwa taga-Marikina na si Jericho Rosales.

Continue reading below ↓

“Gusto ko po na maging serious actor kagaya ng idol kong si Jericho,” nakangiting sambit ni George.

“Kapit-bahay po namin siya before. Siya ang inspirasyon ko, na sabi, dati, nagtitinda lang siya ng isda. Isa po siya sa mga dahilan kaya nangarap ako nang mataas.”

Siyempre, saludo siya sa pagganap ni Jericho sa Kapamilya teleseryeng Halik. Ang tanong... magaling ba siyang humalik?

“Oo naman po! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mabilis na tugon ni George na sinundan ng nakakaengganyong halakhak.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: I can imagine the pressure na nakaatang sa balikat ng bagong Mr. Universal Ambassador na si George Reylor de Lumen.

Noong una tayong sumali sa timpalak ay nasa Top Ten tayo.

Sa 2nd year, 2nd runner-up na; sa 3rd year, 1st runner-up. This year, title-holder!

Wagi si George among the 19 contestants.

Nawa’y maging successful siya sa career na tinatahak.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Jericho Rosales
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results