JERRY OLEA: Three great love scenes ang ginawa ni Kim Chiu sa One Great Love, ang official entry ng Regal Films sa MMFF 2018.
Sa fireplace ang love scene ni Kim with Dennis Trillo.
Sa bathtub at sa kama ang pakikipagniig ni Kim kay JC de Vera.

Walang pa-puwet sa pelikulang idinirek ni Eric Quizon. Hindi babad ang tatlong dakilang lampungan.
Ang rating ng pelikula sa MTRCB ay PG (Parental Guidance).
Inasam pa ni Direk Eric na G (General Patronage) sana ang rating nito, pero dahil sa istorya na may dalawang boys ang bidang babae ay PG ang nakuha nito.
Puring-puri ni Direk ang tatlong bida.
Aniya, may ‘K’ mag-best actress si Kim Chiu, at parehong palaban bilang best actor sina Dennis at JC.
Ang galing-galing daw ni Dennis nang i-deliver nito sa movie ang linyang “Always.”
Si Eric ang gumanap as the doting father ni Kim sa movie.
If ever, alin ang mas gusto niyang award: best director or best supporting actor?
Wala, mabilis na tugon ni Eric. Mas gusto ni Eric na kumita ang One Great Love, para mas marami pang movie ang magawa niya.

NOEL FERRER: Sa mga bidang babae ng MMFF 2018 entries, makakalaban ni Kim sina Anne Curtis (Aurora), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), pati na ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex (Mary, Marry Me), at si Jessy Mendiola (The Girl in the Orange Dress).
Sa mga lalaki, they have to beat Tito Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset) or Jericho Rosales (The Girl in the Orange Dress).
Tough choice, really. But at least, we’ll see here a breakthrough performance of a mature Kim.
Paano kaya ito tatanggapin ng mga tao?
Abangan!
GORGY RULA: Ito na nga raw ang pinaka-daring ni Kim Chiu.
Hudyat din itong handa na siya sa mas mature na role dahil hindi na rin naman daw siya bata.
Natutuwa ang Kapamilya actress kina Dennis Trillo at JC de Vera dahil napaka gentleman daw nila.
Minsan nga ay parang mahiyain daw sa kanya si Dennis. Pero kumportable na siya sa Kapuso actor na mapapanood naman daw sa pelikulang ito.