Veteran singer, natigalgal sa kakaibang trip ng kanyang girlfriend

JERRY OLEA: Maligayang-maligaya ang beteranong singer nang maging girlfriend niya ang isang dalagang maganda na, kayseksi-seksi pa at pagkagaling-galing sa kama.

Jackpot ang matandang kabayo sa sariwang damo!

Kaso, isang umaga, nagtimpla si GF ng kape para kay male singer.

Ang mainit na tubig, nilagyan ng imported coffee. Ang kasunod na inilagay ni GF... ketchup.

Inusisa ng bigotilyong mang-aawit ang kanyang darling kung bakit ketchup ang itinimpla sa halip na sugar and cream.

Katuwiran ni sexy, para maiba naman.

Hindi ganun ka-adventurous ang panlasa ni veteran singer kaya dinedma niya ang kakaibang kape.

Tuloy ang kanilang maliligayang araw at gabi, hanggang minsan, kinalabit ni singer si GF upang sila’y magniig.

Bumalikwas si babae. Inamuy-amoy nito ang white brief ni singer at sinabing sapat na ang paglanghap upang madama ang pag-ibig na sakdal sarap.

Natigalgal ang mang-aawit.

Nagtanung-tanong siya at nagsaliksik.

Napag-alaman niya na ang kanyang irog ay dating bakasyunista sa isang mental asylum.

Ang init ng kanyang pag-ibig ay agad-agad na nanlamig.

NOEL FERRER: Sayang naman at hindi nag-swak ang trip ng magsing-irog na ito.

Baka hindi talaga sila para sa isa’t isa.

At kung hindi na rin para sa singer na ito ang pagkanta, pati na ang pagpasok sa pulitika, saan na lang kaya siya nababagay?

Baka sa pagiging entrepreneur na lang ang kanyang suwerte.

At least, regular ang kanyang pinagkakakitaan.

GORGY RULA: Matagal nang nananahimik ang beteranong singer na ito.

Sana makabalik na siya uli dahil iba rin naman ang mga awiting pinasikat niya.

Hintayin natin ang araw na maging active siya uli, at baka maikuwento niya ang karanasang yun.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN