Kim Chiu, gustong ampunin ni Mother Lily Monteverde

JERRY OLEA: Gustong ampunin ni Mother Lily Monteverde si Kim Chiu.

“I find her a very nice lady,” matamang sambit ng Regal matriarch nang makausap namin matapos ang presscon ng pelikulang One Great Love nitong Disyembre 4, Martes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

“How I wish I could adopt her!”

Mother Lily and Kim Chiu
IMAGE Jerry Olea

Kaya ba gusto ninyong ampunin si Kim ay dahil may Chinese blood ito?

“Aside from being Chinese, iba ang ano niya, e. Siya yung artista na... she works very independent, at walang alalay,” lahad ni Mother Lily.

“Kahit sa shooting, ‘no, siya lang ang nag-aasikaso sa sarili. She is one of a kind. Iba! Iba ang ano...”

Nakita ni Mother Lily kay Kim yung kanyang sarili noong kabataan pa niya.

Napangiti si Kim nang uriratin namin tungkol dito, “Oo, ililipat ko na ang mga gamit ko. Umoo naman na siya! He! He! He! He! He! He!”

Siyempre, nagbibiro lang si Kim sa sinabing iyon.

NOEL FERRER: Ulila na sa ina si Kim—at bagay namang ampon na apo ni Mother Lily ito kung sakali.

Ibang Kim nga ang inaasahan sa One Great Love.

Sana, umpisa na ito ng pagtanggap sa kanya bilang major box-office draw na walang ka-love team.

I wish her success in this!

GORGY RULA: Siyempre, hindi naman lahat ng sinasabi ni Mother Lily ay seseryosohin natin.

Hindi na nga kailangang pag-usapan pa natin ‘yan dito.

Ang maganda lang, maganda ang proyektong ibinigay ng Regal kay Kim Chiu, at may kasunod pa raw!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN