JERRY OLEA: Daks si Ronnie Alonte! Kumpirmado! Tunay na tunay! Walang ni katiting na bahid ng pag-aalinlangan!
Opo! Daks ang pangalan ni Ronnie sa fun-tastic movie na Fantastica, na hinuhulaan ng marami na magta-topgrosser sa MMFF 2018.
May karapatan siyang ipagsigawan, “Daks ako!”

Sa istorya, anak ni Aling Fec (Jaclyn Jose) sina Bellat (Vice Ganda), Daks (Ronnie Alonte), Pepe (Donny Pangilinan), at Jun-jun (Edward Barber).
Nakatira sila at nagtatrabaho sa Perya Wurtzbach.
“Imagine mo, yung perya, mga ganito ang nagtatrabaho,” sabi ni Vice, na guwapung-guwapo sa mga kapatid niya sa movie.
“Siguro, kung yung mga nagtatrabaho sa perya, ganyan talaga ang mga hitsura... yung perya, magiging motel.”
Sa istorya, nalulugi ang perya. Tataningan ni Dong Nam (Dingdong Dantes) ang pananatili roon nina Bellat.
Eeksena si Prince Pryce (Richard Gutierrez). Hihingi ng tulong ang prinsipe kay Bellat upang mahanap ang mga nawawalang prinsesa... sina Rapunselya (Loisa Andalio), Maulan (Maymay Entrata), at Ariella (Kisses Delavin).
GORGY RULA: Obvious na ideya ni Vice Ganda ang mga ganoong pangiliti.
Kaya lang, curious lang ako kung na-confirm ni Vice na 'daks' si Ronnie?
JERRY OLEA: Akala ko, e, Dax ang spelling ng pangalan ni Ronnie sa movie, pero sa pralala na in-email ng promo department ay Daks ang character name ng ka-love team ni Loisa.
Sa presscon, si Edward ang nagsabing Jun-jun ang name niya sa movie, kaya naungkat na Daks si Ronnie, at Pepe si Donny.
Sa ipinadalang email ng promo department, ewan kung bakit nakalagay na si Donny ang Jun-jun, at si Edward ang Pepe.
Pero hindi mapapasubalian, si Ronnie talaga ang Daks.
NOEL FERRER: I wonder kung ano ang MTRCB rating na nakuha ng Fantastica.
GP or PG 13 ang habol nito—so the jokes should really be appropriate for all ages.