Dalawang respetadong aktres, pangsosyal ang tarayan

JERRY OLEA: Iritada ang dalawang maganda at kilalang aktres sa isa’t isa.

Pareho silang intelihente at kayang makipagtalastasan sa English kahit magdamagan nang hindi nagno-nosebleed.


Nagkasama sila sa family drama na sosyalin ang direktor, pati sa isang supernatural thriller kung saan magkapatid ang papel nila.

Hindi sila magkaaway, pero hindi rin sila magkaibigan.

Kumikilos sila ayon sa kani-kanyang ganda.

Respetado sila kahit nagsusuplada sila sa “lesser mortals” of the universe.

Sa paglipas ng panahon ay kapwa premyadong aktres na sila. Siyempre, parehong lumapad ang kanilang katawang lupa.

Si Actress #1 ay gracious and glorious pa rin ang beauty kahit lola na.

Si Actress #2 ay tumaba nang bonggang-bongga.

Sa isang pagtitipon sa isang yayamaning hotel, lumapit si Actress #2 kay Actress #1 at bumati.

Sabi ng kaibigang kasama ni Actress #1, mabait naman pala si Actress #2. Maganda ang ugali.

Napaismid si Actress #1 at nagturan, “Bakit? May mataba bang masama?”

NOEL FERRER: Huli kong napanood na magkasama ang dalawang artistang ito sa isang pelikulang pareho silang matandang dalaga na makukulay ang buhay.

Kapwa sila magaling sa pelikulang yun.

Kilalang prangka ang dalawang aktres kaya siguro kaya nilang magbiruan at mag-banter at mag-punchline ng medyo may kagat, pero wala siguro silang masamang intensiyon.

Excited akong mapanood pa sila sa kanilang projects.

Habang ang isa’y aktibo ngayon sa TV, sana ay bumalik sa ‘Pinas ang isa para gumawa ng pelikula.

Nakakaaliw sila dahil bukod sa magaganda at mahuhusay na, matatalino pa talaga!

GORGY RULA: Magaling talagang mag one-liner si Actress #1.

Pero pagdating sa aktingan, mas magaling na di hamak si Actress #2.

Bibihira lang gumawa ng pelikula si Actress #2 dahil parang hindi na niya kailangan, unlike kay Actress #1 na kailangan pa niyang mag-work nang mag-work.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN