Cesar Montano, game na game sa video greeting niya kay Cong. Vilma Santos

JERRY OLEA: Nagpaunlak muli si Cesar Montano sa paanyaya ni Ogie Diaz na pasayahin ang 344 breast cancer patients na dumalo sa Christmas party ng Kasuso Foundation nitong Disyembre 10, Lunes, sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

Ikaapat na pagpunta na ito ni Buboy (palayaw ni Cesar) sa Paskuhan ng Kasuso Foundation.

IMAGE Jerry Olea

"Iyong mga tournament ko, mga fundraising ko, sila palagi yung beneficiary," sambit ni Buboy.

Nagkaroon ng golf tournament si Buboy sa Pradera sa Lubao, Pampanga, at saksi kami nang ibigay niya ang donasyong tseke na PHP70,000.

Kumusta ang Christmas niya?

"Happy pa rin, siyempre. Happy pa rin. Lagi namang happy. Siyempre Christmas, e," napapangiting tugon ni Cesar.

Naalala namin ang pangako namin kay Vilma Santos na ipapa-video greet namin sa kanya si Cesar pag nakita namin ito.

Nangyari iyon sa birthday tribute kay Ate Vi ng Saturday night radio program ni ka-Troikang Noel Ferrer sa Radio Inquirer.

Nasa Hong Kong noon si Ate Vi nang i-phone patch ni Noel.

Merry Christmas ang pa-video greet namin, e, sinabi pa ng Vilmanian na si Karen Martinez na 26th wedding anniversary nina Ate Vi at Ralph Recto the next day (December 11, na birthday naman ni Noel).

Game na game na nag-video greet si Cesar kay Ate Vi. (Noel, pasensya na, hindi ka na namin napa-video greet sa kanya!)

Ifinorward agad namin ang nasabing video sa Vilmanian for All Seasons na si Jojo Lim, na nag-forward noon kay Ate Vi.

Message sa amin ni Jojo later, "Sabi ni Ate Vi, napanood na niya. Natuwa siya at natawa."

Pinost ni Jojo sa Facebook page ng Vilmanians ang nasabing video.

Tawang-tawa si Cesar nang uriratin ni Shalala kaugnay sa video greet ni Cesar para sa isang konsehal kung saan may aksidenteng nahagip sa likod ng camera, isang babae na parang walang saplot.

Sabi ni Cesar, nagulat siya na agad-agad umabot iyon sa 10 million views.

Later on ay may babaeng kaibigan ni Cesar ang dumating. Maganda, maputi, at sexy ang babae. Kaaya-aya ang kanyang ngiti at personalidad.

Naduwag kami ni Shalala na litratuhan o kaya ay usisain kay Cesar ang nasabing babae... is she the one?

NOEL FERRER: Nagkasama sina Cesar at Ate Vi sa mga pelikulang Relasyon (bit player pa lang si Cesar noon) at Ikaw Lang (dito, e, sila na talaga ang mga bida).

Sabi nga ni Ate Vi, mabuti nga at na-handle ni Cesar nang maayos ang isyu na yun sa kanyang buhay. Marami talagang mga bagay ang nadadaan sa gaan at ligaya at sense of humor.

At yung mahiwagang babaeng dumating—mananatili siyang misteryo at blind item. Yun na ang value niya!

GORGY RULA: Walang nangahas na magtanong kay Cesar kung yung kasamang girl niya ang nasa kontrobersiyal na video greeting.

Pero kuwento ni Shalala, si Diego Loyzaga ang mas pinag-usapan nila na kinumusta niya kay Cesar.

Ang napansin ni Shalala, pati ang ilang nakitsika sa actor-director, naging spiritual na ito ngayon.

Puro si Lord ang binabanggit. Pero ang alam ko, active na talaga si Cesar sa church nila.

Malabo na siguro yung sinimulan niyang film project para dapat sa Department of Tourism na Sultan Kudarat.

Pero may sisimulan siyang pelikulang gagawin na tungkol nga ba sa buhay ng isang bayani?

Natapos na kaya niya ang isa pang pelikulang iprinodyus ng isang mag-asawang naka-base sa Amerika kung saan bida roon ang binatang anak nila?

Maraming malalaking artista siyang kinuha roon, kagaya nina Boots Anson-Rodrigo, Jean Garcia, Lani Mercado, Tirso Cruz III, at ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Si Cesar ang direktor sa film project na iyon na may tentative title na Kaibigan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN